TINANGGAL ni Celine ang suot na salamin sa mga mata. Isinandal niya ang likod sa sofa bago pinagkrus ang mga bisig sa tapat ng dibdib. Tinitigan niya ang mga impormasyong nakasulat sa monitor ng kanyang laptop. Sinisimulan na niyang imbestigahan kung ano ang sakit ni Daniel. Ayon sa research niya, posibleng appendicitis, cholecystitis, o kaya ay pancreatitis. Ang mga iyon kasi ang kinatutunguhan ng mga senyales na nakita niya sa binata, lalo na ang sobrang pananakit ng abdomen. Ganoon pa man, alam niya na malayo iyon sa katotohanan. Kung appendicitis lang iyon, sasabihin agad iyon ni Daniel o ni Lino. Agad na paooperahan iyon ni Daniel. Pero nakita niyang ini-endure ng binata ang sakit na para bang hindi lang iyon minsan nadama. Could it be cancer? Colon cancer? Ah, kung bakit kasi hindi

