Hindi ko mapigilang mapatitig sa kaniya. Seryoso ba siya? Bakit sa dami ng birong sasabihin niya ang alukin pa ako ng kasal? Ikiniling ko ang ulo ko upang mas titigan siya. Wala kasi ang normal na ngisi sa mukha niya kaya hindi ko masabing nagbibiro talaga siya pero imposible naman na seryoso siya. "Huwag kang magbiro ng ganiyan," nasabi ko na lang. Hindi ko alam pero pakiramdam ko biglang bumilis ang t***k ng puso ko. May parte ng pagkatao ko ang umaasang sana totoo na lang ang sinabi niya, meron namang parte na tumututol. Kumilos ako para sana umalis sa pagkakaupo ko sa tiyan niya pero pinigilan ako nito. "What if I am not joking?" Seryoso pa rin ang mukha nito. Muli akong napatingin sa kaniya. Nag-iisip nang isasagot ko sa tanong niya. "Alam mong wala akong planong mag-asawa," s

