Chapter Nine

1195 Words
Anastasia PoV: Tinext ko na lamang si papa na dito na ako sa may parking nag-aantay. Hindi ko na siya tinawagan dahil baka nagda-drive na ito papunta rito. Hindi aabutin ng isang oras ang byahe papunta dito mula sa bahay. Siguro, abutin lang ng 45 minutes kapag hindi traffic. At ito na nga mga ilang minuto pa lang ay nakita ko na ang paparating na kotse ni Papa mula sa di kalayuan. Agad naman akong napatayo sa kinauupuan ko upang kumaway para makita agad ako at salubungin ito. Sa tuwa at excitement, ngumiti naman ako nang maluwag habang papalapit ang kotse niya. Na pakiramdam ko ng pag kakita sa kanya ay tila nag bigay ng instant na kasiyahan sa buong oras ng pag hihintay ko. Iwan ko ba ganito lagi ako sa Papa ko kahit na hindi naman talaga ako matagal na di sila kasama ganito lagi ang pakiramdam ko excitement sa pag uwi ko sa kanila. Pero kay Mama dahil dala na din siguro ng pagka strikto nito sa akin kaya medyo naiilang pa ako sa kaniya maging sobrang sweet, dahil minsan kapag niyayakap ko siya agad naman ang pag iwas nito. Kaya minsan nahihirapan talaga akong maging malambing sa kaniya. "Papa?!" sigaw ko dito nang makalabas na siya ng kotse saka naman ako tumakbo makalapit sa kaniya at biglang pag yakap ko naman dito. "Aysus naman ang baby ko nag lambing naman agad hahah." napayakap na din naman ito, Ngunit napakunot naman ang noo ko nang magbukas naman ang pinto sa may passenger seat, na akala ko si mama ang kasama ni papa. Subalit, isang bahagyang gulat at pangangabog sa puso ang aking naramdaman nang makita kong ibang tao pala ang kanyang kasama—hindi si mama. "Hoy kuya Felix ba't ka naman na andito?!!" singhal ko naman dito na ikina bigla naman niya na kung pag labas niya ay naka ngiti ito ng hangang teynga niya ngyon naman ang biglang pag simangot naman nito "Tingnan mo to' ine expect ko na matutawa tong pangit na'to kapag nakita niya ako hindi naman pala." naka busangot na sabi nito, napa ngisi naman ako. "Tsskk!! So' ikaw pala yong sinasabi ni mama na bisitang dadating?!" "Yeap!!" mabilis na tugon naman nito na tinaasan ko pa nga ito ng isa ko kilay. "Eh' hindi ka naman po bisita eh...,, BWEsita ka lang naman po kaya!!" mapang asar na mukhang sabi ko dito. Na agad ko naman nakita na nagsingkitan ang mga mata nitong tumitig sa akin. "Ayan na' asaran time na po kami nito." "Aba't ikaw na kutong lupa ka!!" nang gigil na akmang lalapit na ito sa akin na agad naman akong nagtago sa likod ni Papa. At pinangharang ito sa kaniya. "Papa oh si kuya Felix oh!!" sumbong ko naman na lalo ko pang niliitan ang katawan ko para makapag tago lamang ako sa likod ni Papa, si papa naman tawang tawang napapa iling na lamang sa aming dalawa. "Hay naku kayong mga bata kayo pwede mag si tigil na kayo at pinag titingin na tayo ng mga tao sa paligid natin oh!" suway naman nito sa amin. Dahil sa suway ni papa, napa tigil naman si Kuya Felix sa pagpupumilit nitong makalapit sa akin. "Naku pasalamat ka at na andiyan kana sa likod ni tito kung hindi matitiris talaga kita." pinakita pa nga nito ang pag higpit ng pag kuyom ng kamao niya. Nag belat pa nga ako at nag doleng dolenga'n, na kulang na lang may lumabas na usok sa mga butas ng ilong niya sa pikon. Hahah ganito na po talaga kami. Laging asaran, di kami titigil hanggat walang mapipikon isa sa amin. "Anastasia tama na' mag-sitigil na kayong dalawa at mag sipasok na kayo sa kotse at ang mama mo nag handa na ng pag kain iyon." bigla naman kaming natahimik dahil sa seryosong boses na ni Papa, at agad naman kaming sumunod at nagmadali na pumasok sa kotse. Habang papasok na din ako sa kotse rinig ko pa nga ang pag "tssskk" ng isa na'to. Sa loob ng kotse, hindi mapigilang magsilabasan ang kakulitan naming dalawa, si Papa naman natatawang napapasabay nadin sa kakulitan namin. Kantahan kahit wala sa tono, kakulitan hanggang sa maka rating na kami ng bahay. "Kuya Felix?" tawag ko naman dito na may pag kislap kislap pa ng aking mga mata, napangisi naman ito. Mabait na po ako niyan. Kakatapos lang din namin kumain. Nandito naman kami sa likod ng bahay tumatambay. Sinadya ko din talaga na masolo ko siya ma solo para kausapin na mag patulong ngang kausapin sila mama at papa tungkol sa pag pipinta ko sa Maynila. Baka sakaling makumbinsi niya sila mama. "Oh' ano na naman mga mata mong iyan, naku e scam'in mo na naman ako no?" natatawang nahuli naman na nito kaagad. "Hmm' hindi naman ata ganon kuya." "Eh' ano naman kaya iyan?" "Gusto ko sanang..." "Na?" "Gusto... ko sanang ano...." pambibitin ko dito na naiinis naman siya ka agad sa akin. "Na ano nga?!!... kulit kulit mo talaga!! Anastasia!!!" singahal nga nito sa akin Diba maiksi po ang pisi niya guys. Napa buntong hininga muna ako para maka kuha ng bwelo. "Gusto ko sanang ipaalam mo ako kila mama na sasali ako sa event sa isang Gallery sa Manila please." walang preno na sabi ko. Biglang seryoso naman ng mukha nito. "No!!! hindi pwede!!" biglang sabi naman nito na parang may nadurog na kung anong bagay sa dibdib ko, at biglang pag ngililidan ng mga luha sa mga mata ko. "Pati.... pati ba naman ikaw..., ayaw din akong payagan." malungkot kong sabi dito at napa yuko naman ako dahil pinipigilan kong huwag pumatak ang mga luha ko. "Hindi naman sa ganon, kaso lang diba matagal na natin nila Tita pinag usapan ang bagay na iyan lalo na kapag lugar na pinag uusapan." "Bakit ba ayaw niyo akong papuntahin ng Maynila? Ano bang meron sa Maynila at mukhang- "Di kasi natanggap don ng Monsters na katulad mo ineng." sabi pa nito humagalpak lang sa tawa na ako naman parang batang napahagulhol sa iyak dahil ginawa lang atang biro nitong isa na'to. "Huhuhuhu sige na kasi!!... gusto kong... gusto kong sumali kuya Felix.... sa-yang ang opportunity ko." "Huhuhu.... I-sang... pag-kakataon ko na iyo kuya upang... mag- ano mag- pinta sa Maynila sila na.. sila na mis-mo ang nag- bukas para sa akin!" hagulhol na hirap kong sabi dito napahinto naman ito sa pag tawa niya at niyakap niya ako. "Sshh! tahan na marinig ka pa nila Tita sabihin niya inaaway kita ehh." "Totoo naman eh!" "Oh' kala ko ba mabait ka na dahil mag papatulong ka sa akin, sige ka." biglang pag angat ko naman ng tingin sa kaniya "Talaga kuya Felix tutulungan mo na ako?!!" Bahagya naman itong tumango "Kaya tumahan kana diyan dahil kapag naabutan tayo nila Titang umiiyak ka at pinagalitan nila ako, di kita tutulungan sa pag-" "Yes!!!!... thank you!!!.. thank you Kuya, the best ka talagang kuya ehh.." sa sobrang tuwa ko mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap ko dito. "Pero totoo po talaga yong papuri ko sa kaniya ' Da best kuya ko po talaga.' kasi bakit mamaya ko na po papaliwanag heheh."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD