Snowfalls Nagising ako dahil sa paulit ulit na haplos sa buhok ko. Tumambad sa harapan ko ang mukha ni Mommy na ngumiti agad sa akin. Bumalikwas ako ng kama at umupo. Iniwas kong mapatingin sa kanya. Ipagtatanggol niya na naman siguro si Michelle. Tss. "Abbegail, I'm sorry for what Michelle have done to your phone. You can buy a new one today. Bibigyan ka ng pera ni Greg. 'Tsaka pwede ka ring magshopping." Malumanay niyang sabi. I really knew it. "Yeah right Mom. Diyan naman kayo magaling. Bribing me with material things so that I'll forgive you. Ang yaman ko na nga eh. Ang rami ko na kasing pinapalampas na mga kasalanan niyo." Bumalikwas ako ng kama. Nagtungo ako sa cr. Nanatili naman siya doon sa kama, bigo ang mukha at namumungay ang mga mata. Naghilamos ako. Ayoko

