Almost Hindi na ako umuwi pa. Gusto ko siyang bantayan. Bukas daw sa umaga pwede na siyang umuwi. Gusto ko nalang atang dito nalang siya para walang mangyaring masama sa kanya. "Sa sofa na ako. Sleep now Jame Brancen. You need to rest." Kinumutan ko ang kalahati ng katawan niya. Nakasandal parin kasi siya sa headboard ng kama niya. "Ba't ka sa sofa? Tabi tayo Abbegail. Akala ko ba babawi ka?" seryoso niyang sabi. Napabuntong ako ng hininga. Bumalik ako sa tabi niya at ipinosisyon ang sarili ko pahiga. Buti nalang at malaki yung kama. "So please, sleep now Jame Brancen. Wag nang matigas ang ulo." Hinaplos ko ang braso niya. Dahan dahan siyang dumaosdos. Buti naman at napapayag ko rin. "Ayokong matulog. Iiwan mo na naman ako." daing niya. "I'll left

