Love Nagpalit ako ng pambahay. Hindi ko sinuot ang dinala niyang dress. I don't wanna go home yet. Nasuklay ni Jame Brancen ang buhok niya paatras nang wala talaga akong balak umuwi. Nakahilata ako sa sofa at nanonood ng tv habang nandoon siya sa kama nakaupo at mariing nakatingin sakin. Hindi ko tuloy maipasok sa utak ko ang pinapanood kong movie. "Abbegail." tawag niya sakin. May pagsusumamo ang mukha niya. Napabuntong ako ng hininga. "Give me some time to think about it Jame Brancen. Ayokong umuwi. Dito nalang muna ako please." Ipinagdaop ko ang dalawa kong kamay. Sa oras na ihatid niya ako alam kong nandoon si Mommy at igigiit niya na naman yung gusto niyang isama ako sa Canada. "Stop being cute. Fine, I'll give you some time. Pero please, make up your mind." "1 week." Ngumisi ako

