Claim him Pumunta nga kami sa Mall. Tahimik lang ako sa tabi niya. Kung may nagbago man yun ay kung paano ang posisyon naming dalawa ngayon. Hindi na nakalingkis sa beywang ko ang kamay niya sa tuwing naglalakad kami. Napabuntong ako ng hininga dahil sa sumagi sa utak ko. Hindi ko nalang pinahalata sa kanya na namimiss ko ang bagay na iyon. Kumain kami sa McDo. Siya lahat ang nag-order para sa akin. Nakabisado niya na talaga ang hilig ko. Tahimik lang akong kumain habang binabalewala ang titig niya sa akin. It's too deep. Ano kayang nasa utak niya? "Namimiss ko na yung dati. Yung nginingitian mo ako. Yung niyayakap mo ako sa beywang ko at isinisiksik kita sa dibdib ko. Pero hindi rin naman ako nagsisisi na takutin 'yong pitong iyon. Hindi naman sa napapagod na ako sa p

