Pagkatapos kumain ay bumalik nang kanyang kuwarto si Nico. Hinagilap niya ang camcorder para ilipat sa kanyang desk top computer ang mga kuha nila sa Cebu. Napapangiti siya sa mga kuha niya kay Alex na puro wacky shots, ‘she’s beautiful at any angles’ sabi ng isip niya. Natuon ang kanyang pansin sa huling kuha sa Basilica. ‘Parang may kahawig siya’ komento ng isip niya sa naka-side view na picture ni Alex. ‘Bakit kaya siya malungkot dito?’ komento niya uli sa sumunod na still shot nito. ‘Mas gumaganda siya kapag nakangiti’, komento niya uli sa isip sa sumunod na still-shot na nakaharap ito. Parang wala siyang makitang bahid ng pagka-tomboy maliban sa mga suot nito at sa maiksing buhok at ang paastig nitong pananalita. Narinig niya ang katok ng isa nilang kasambahay. “Sir, may overseas ca

