Pa-massage naman

2276 Words
Sa isang farm ang location ng pangalawang shooting. Mainit ang panahon dahil sa tindi ng sikat ng araw. Lahat naiinitan at nagpapaypay. Si Alex lang ang naiiba, naka-loose maong jeans at oversized sweat shirt uli, iba lang ang kulay kaysa kahapong suot. Nagpapaypay din si Alex pero madalas si Nico ang pinapaypayan niya. Sa labas ng bahay ang scene kaya kahit pinapayungan si Nico ng kanyang bodyguard ay pinagpapawisan pa rin siya. Sumenyas siya kay Alex ng tubig. Patakbong tinungo ni Alex ang naka-standby na van para kumuha ng tubig ng mapatid ito. “BLAG!” Nadapa si Alex at hindi magawang bumangon. “Alex!” Napatakbo si Nico at kanyang mga bodyguards para daluhan ito. “Ouch” dumadaing si Alex habang inaalalayan siyang makatayo. May bumakat na dugo sa kanyang maong pants sa magkabilang tuhod. “Nasugatan ka yata. Pakitawag ang Medics please,” utos ni Nico sa isa niyang body guard. “Mart, can we continue now?” Kumakaway na kay Nico ang director. Napatingin si Nico sa ginagamot na tuhod ni Alex. Nakataas ang jogging pants nito at kitang-kita niya ang napakakinis nitong legs. Hindi na niya muling inutusan ito at hinayaan na lamang niya itong manood ng shooting kahit nagpipilit pa itong kumilos para sa kanya. Ang dalawa niyang body guards ang humalili kay Alex. Nang makabalik sila sa hotel ay mabilis na nag-shower si Nico dahil may dinner sila ni Tony kasama si Regina Amor. Dumating na ang actress at naka check-in din sa hotel. Excited siya sa dinner dahil first time niyang mami-meet ng personal ang actress. Si Rigor na lamang ang nag-asikaso sa kanya dahil paika-ika kung lumakad si Alex mula sa tinamong sugat nito sa magkabilang tuhod. Pinasuot sa kanya ni Rigor ang three piece suit na gawa ng isang sikat na clothes designer. “Papang-papa ka talaga Mart,” kinikilig na wika ni Rigor, “di ba, Papa Lex?” nilingon ni Rigor si Alex na nakatayo sa kanyang likuran. “Ha? O-oo,” wika ng nagulat na si Alex. Nahahalata ba siya ni Rigor? Kinabahan siya sa naisip. Kahit kailan ay hindi siya nagkainteres sa kahit sinong lalake. Pero si Nico? Bakit ka-iga-igayang tingnan? Ibinaling ni Alex sa ibang bagay ang kanyang tingin. Nakita ni Nico ang reflection ni Alex sa salamin kanina, kung hindi ito tomboy ay iisipin n’ya na nababato-balani na ito sa kanya dahil sa walang kakurap kurap na titig sa kanya. == Sa isang function room ng hotel ang dinner. Kasama niya si Tony at Rigor at nandoon na rin ang direktor at iba pang staff nito. Dumating na rin ang grupo ni Regina Amor, kasama ang manager nito at isang new comer ding artista. Dumating din ang mga imbitadong taga press na walang tigil sa pagkuha ng mga litrato. “Hi Regina, It’s our honor to meet you.” Masayang salubong ni Tony at nakipagbeso-beso sa batikang artista. “By the way, I’d like you to meet Martin Grey, Mart, Ms. Regina Amor, the superstar for all seasons.” “Hello Martin,” nakangiting bati ng superstar at nakipagkamay ito kay Nico. “My pleasure is mine, Ma’am. It’s an honor for me to work with you in this project,” masayang wika ni Nico. Nagkaroon muna ng picture taking bago nagsimula ang kainan. Isang paraan para maabot ang mga tagahanga ay ang idokumento ang bawat pangyayari sa buhay ng isang sikat katulad ni Martin Grey. After dinner, pabalik na si Nico sa kanyang room ng maalala si Alex. “Alex,” kinatok niya ang kuwarto nito. “May iuutos ka?” tanong ni Alex pagkabukas ng pinto. Paika-ika itong bumalik at umupo sa kama. “Wala naman, tsine-check lang kita kung okay ka na. Kumusta ang mga tuhod mo? Patingin.” Mabilis na lumuhod si Nico sa harap ni Alex. “Ok na yan!” saway ni Alex sa kamay ni Nico na itinataas ang kanyang jogging pants. “Titingnan lang!” masungit na wika ni Nico. Walang nagawa si Alex kungdi hayaan na lang ito. “Next time, mag-iingat ka.” sermon ni Nico kay Alex habang sinisipat ang mga sugat sa dalawang tuhod nito. “Opo Sir,” sarkastikong sagot ni Alex na ibinaba agad ang jogging pants at waring na-concious sa tingin ni Nico sa kanyang mga legs. Amoy na amoy pa niya ang pabango ng binata. “Hey wait, ano itong nasa kamay mo?” hinawakan ni Nico ang kamay ni Alex pero biglang hinatak at itinago ng huli sa kanyang likuran. “Wala ito.” umiiling na wika ni Alex. Ayaw niyang tumingin sa mga mata ng kaharap. Gusto na niyang mainis sa kanyang sarili. Kinakabahan siyang hindi niya mawari. “Anong wala, patingin sabi!” pagigil na sabi ni Nico. Inabot niya ang kamay ni Alex na nakatago sa likod nito. “Geez, pati pala sa kamay may sugat ka ah,” gulat na wika ng binata. Ramdam niya ang lambot ng mga palad ni Alex. “Maliit lang yan, malayo sa bituka,” mayabang na wika ni Alex sabay bawi ng kamay nya. “Sige, matulog ka na.” Tumayo na si Nico mula sa pagkakaluhod at tinungo ang pintuan, “Good night,” pahabol niyang wika. == Third shooting day, kinakabahan si Nico habang nagkakabisa ng mga lines niya. Ayon sa director, laging take one ang actress sa mga eksena nito. ‘Dapat makasabay ako, concentrate, internalize’ sabi nya sa sarili. Nagkaroon muna sila ng script reading bago nag start ng shooting. Nang matapos ang shooting ay parang nasa cloud nine ang binata dahil take one lahat ng kanilang eksena ni Regina Amor. Maaga silang nakabalik sa hotel at nagpaalam na ang grupo ng actress at sa Manila na sila uli magkikita para sa natitira pang eksena. Pati na rin ang buong grupo ng movie production ay bumalik na ng Manila. “Excellent Mart,” masayang wika ni Tony, “nakatipid tayo ng isang araw. Mamasyal muna kayo at bukas pa naman ang flight natin. While me, may dadalawin lang akong kamag-anak. Magkita-kita tayo sa airport bukas.” “Mauuna na akong babalik sa Manila kasi aasikasuhin ko ang mga suits ni Papa Nics for the pageant. Dadalhin ko na rin ang mga ginamit mong suits.” wika naman ni Rigor na nagsimulang mag-impake nang mga designer suits na ginamit ni Nico. “I willl stay, tomorrow na kami uuwi.” Naisip ni Nico na pagkakataon na niyang mamasyal sa lugar bago sumalang uli sa hectic na schedule. “Before I forgot Mart, Let’s meet on Monday to discuss some important matters.” paalalang wika ni Tony bago tuluyang umalis. Pagkaalis ni Tony ay tinawag ni Nico si Alex. “Mag check-out ka na sa room n’yo at lumipat ka dito sa dating room ni kuya Tony. At pakisabi rin kina kuya Efren at Kuya Lindo na sabay-sabay tayong kakain mamaya.” “Yes Sir?” wika ni Alex na may kasabay ng pabirong pagsaludo kay Nico. Lihim na napangiti si Nico, nasa mood yata si Alex magbiro. “Sige pahinga muna ako.” Mabilis na nakapag-check-out si Alex. Ewan ba niya kung bakit parang ang gaan ng kanyang pakiramdam. Pagpasok niya ng kuwarto ay narinig niya ang tawag ni Nico mula sa kabilang kuwarto. Napasukan niya itong nakadapa sa kama. “Alex, marunong ka bang magmasahe?” Natigilan si Alex. Gusto niyang tumanggi dahil hindi siya marunong pero gusto niya ring subukan. “umm, medyo.” “Masakit ang likod ko, pa-massage naman.” Mabilis na naghubad ng pang-itaas na damit ang binata at muling dumapa. “Sige pero di ako masyadong marunong.” Nag-alangan si Alex sa gagawin n’ya ng mapagmasdan ang maskuladong likod ng binata. Napahugot siya ng malalim, bakit kasi iba ang pakiramdam niya. Umakyat siya sa kama para maabot ang malapad na likod ni Nico. Nagsimulang magmasahi siya sa likod Nico sa paraang alam niya. “Lakasan mo pa Alex,” utos ng binata dahil pakiramdam niya ay hinihimas lang nito ang kanyang likod. “Ganito?” Idiniin pa ni Alex ng kaunti ang mga daliri. Bakit kasi ang tigas ng mga muscles ng binata? “Mas malakas pa,” wika uli ng binata. “Ganito?” Mas idiniin pa ni Alex ang kanyang mga kamay. “Ang hina pa rin. Hindi ko talaga maramdaman. Sumampa ka kasi sa likod ko,” reklamo ni Nico. Pero nasasarapan siya sa dantay ng mga kamay ni Alex. “Ano! ‘Yoko nga!” pa-astig na tanggi ni Alex. Gusto na niyang batukan ang binata. Mukhang nananadya. “Ang hina kasi ng diin mo. Lakasan mo pa,” masungit ng wika ni Nico. Lihim na natuwa ang binata sa ginagawa niyang challenge kay Alex. “Ganito?” Itinodo ni Alex ang kanyang lakas dahil sa pagkainis. Isinama na niya ang bigat ng kanyang dalawang braso. “Yan, Ganyan,” nasisiyahang wika ni Nico. Hindi pa rin kasinglakas ng mga masseur massage pero puwede na. Nagpatuloy si Alex sa pagmasahi ayun sa gustong lakas at diin ni Nico at kalaunan ay nakatulog na ito. Dahan-dahang bumaba mula sa kama si Alex habang marahang hinilot-hilot ang pagod na mga kamay. Pakiramdam niya ay namanhid ang kanyang mga daliri dahil sa itinodo na yata niya ang kanyang lakas sa pagmamasahe ng malapad at mamasel na likod ni Nico. Pero bakit parang nakaka-excite ang magmasahi ng likod ni Nico? Tinapunan niya uli ang tulog na binata bago siya lumabas ng kuwarto nito. Pumasok na siya sa kuwartong iniwan ni Tony. Nahiga siya sa kama habang pinagmamasdan ang paligid ng kuwarto. Sasamantalahin niya na tulog pa si Nico. First class ang kuwartong iniwan ni Tony. May sarili din itong shower room at Jacuzzi na nakapaloob sa purong salamin. Napatingin siya sa jacuzzi at parang magnet itong nag-iimbita. Sa sobrang init sa labas at sa pagod sa pag-aasikaso kay Nico ay pagkakataon na niyang magpahinga saglit. Siniguro muna niyang naka-lock ang pinto at dali-daling naghubad ng kasuotan. Inilubog niya ang kanyang katawan sa unti-unting tumataas na mga bubbles. Sakto lang sa haba ng kanyang katawan ang jacuzzi at iniunan niya ang kanyang ulo sa inflated pillow. Ang sarap sa kanyang pakiramdam ang masahe na dala ng mga bubbles at nakangiting ipinikit ang kanyang mga mata hanggang sa makatulog siya. “Wow, ang husay mo na talaga mag-drive Alexa. Kahit paakyat suwabeng-suwabe na.” “Siyempre ‘My. Hinusayan ko talaga para makapasyal tayo. Sayang nga ‘di sumama si Daddy.” “Busy lagi ang Daddy mo. Maraming problema sa kumpanya.” “Anong problema ‘My?” “Ano pa eh tungkol sa negosyo.” “Pag graduate na ako, tutulungan ko na si Daddy.” “Two years more, anak. Hey, look there. Parang ang sarap ng buko juice.” “You want ‘My? Wait, igigilid ko lang.” “Ikaw na lang ang bumaba, hintayin kita dito.” “Okay, ibibili muna kita ‘My.” “Also, buy turon.” “Sure.” “Alexaaaaaaa.” “Oh my God, Mommyyyyyyyy.” === Sa kuwarto ni Nico, nagising siya ng tumunog ang kanyang flip-top cellular phone. Napangiti siya ng makita ang numero. “Hello Babe, How’s Paris?” “Baby, I missed you.” Malambing na wika ng kanyang kausap. “We’re very busy right now, getting ready for the fashion show. How are you?” “I’m fine and busy too.” Lihim siyang natuwa at kahit papaano ay naalala siyang tawagan ni Sandra. Hindi sila magtagpo ng bakanteng oras. Hindi niya ito matawagan kapag siya naman ang may free time. “When are you coming back?” “I’m sorry Baby, No definite schedule as of this time.” Malambing pa rin na humingi ng paumanhin si Sandra. “I understand Babe,” malungkot na wika ni Nico. Ayaw ni Sandra na nagko-commit ng petsa o araw dahil madalas hindi nito natutupad. Bigla na lang itong sumusulpot na inuunawa naman niya dahil sa pag-unawa rin nito sa kanya bilang artista. “I missed you, Babe.” “I missed you too Baby, bye for now.” “Bye, Babe.” Narinig ni Nico ang bungtonghininga ni Sandra bago ito nawala sa linya. Bumangon siya dahil naalala niya na sabay silang kakain nila Alex at dalawa niyang body gards. Tinungo niya ang kuwarto ni Alex. “Alex,” mahina niyang katok ngunit walang sumasagot. “Alex,” Mas nilakasan niya ang tawag ngunit wala pa ring sumasagot. Pinihit niya ang door knob pero naka- lock. Tatalikod na sana siya ng makita niya ang susi sa isang maliit na lamesita. Kinuha nya ito at sinusian at saka sumilip. “Alex, Al-“ Napahinto si Nico sa pagpasok dahil naaninag niya si Alex sa bath tub at mukhang natutulog . Dahan-dahang lumabas si Nico ng kuwarto. Minsan gusto na niyang magtaka sa pagkatao ni Alex. Hindi niya alam ang buong background ng pagkatao nito dahil ang kanyang pinsan ang kumuha kay Alex. Ilang beses na niya itong nakikitang malungkot at parang may malalim na iniisip at mailap sa kanyang mga tanong. === Maraming kumakain dahil buffet at eat all you can ang restaurant ng hotel. Maraming nakakilala kay Nico a.k.a Martin Grey, may nakikipag-ngitian, may kumakaway. Ang iba naman na hindi makatiis ay pasimpleng lumalapit para magpa-picture katabi ang binata. Magkatabi sina Nico at Alex at sa harap naman ang dalawang bodyguards. “Boys, kumain na tayo. Sky is the limit,” wika ni Nico sa dalawa niyang bodyguards, “Alex, let’s get some food,” sabay hawak sa siko nito. Agad naman dumistansiya ang nagulat na si Alex. Parang napapaso siya sa dantay ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD