Simula - Too Risky

926 Words
"Terese, dito! Bilis na!" Panay at sunod-sunod ang pagbuga ko ng hangin habang nagpapahila sa isa kong kaklase. Mabibigat ang hakbang ko kaya pahirapan para sa kan'ya ang hilahin ako. Wala akong ideya kung bakit niya ako hinihila papunta sa auditorium. Sobrang ayos na ng pwesto ko kanina sa classroom habang nakasalampak sa tainga ko ang earphones ko nang bigla na lamang akong inisturbo. "Nakakapagod ka ng hilahin ah!" reklamo ni Gwyneth at padarag na binitawan ang braso ko. Ngumisi na lamang ako. "Sino ba kasing may sabi sa 'yong hilahin mo 'ko?" She sighed. "Napag-utusan ako. Kaya sige na oh! Makipag-cooperate ka na lang." Nagtaas ako ng isang kilay. "Sino namang nag utos sa 'yo?" Nalukot ang mukha niya. "Hindi ko puwedeng sabihin." "Baka mamaya n'yan, Gwyneth may mga bullies pala doon tapos pagpapaluin na lang tayo bigla. No! Ayokong pumunta!" sabay talikod ko at mabilis na nagmartsa pabalik ng classroom. "Terese!" habol niya sa akin. "Hindi naman bullies 'yong nando'n e. At saka 'yong ibang classmates natin nandoon na rin." Tumigil ako sa paglalakad. "Ano ba kasing meron?" "Puntahan na nga lang natin. Para hindi ka tanong nang tanong d'yan. Hay naku!' Ngumuso ako at nagpahilang muli sa kan'ya. Maraming estudyante ang naroroon na sa auditorium nang nakapasok kami. Nagpang abot agad ang mga kilay ko, ipinagtataka ang paglingon sa akin ng halos lahat ng naroroon. "Nandito na si Terese!" may narinig akong sumigaw. Pero hindi ko alam kung sino at saang banda iyon nanggaling. Agad kaming nakarinig ng musika. Napahawak ako sa mga kamay ni Gwyneth. This is not happening right? No one's gonna asks me to be his girlfriend right? Hell! This is very baduy! "Gwyneth, tell me what's going on!" Hindi ako pinansin ni Gwyneth. She giggled instead. I bit my lower lip. Hindi ito ang unang beses na may nagtangkang manligaw sa akin using this stunt. At kung sino man ang may pakana nito, siguradong makakatikim sa pang malakasang rejection ko. But who am I kidding? Paano ko ire-reject ang lalakeng nasa gitna ng stage at nagsisimulang umindak sa salin ng isang awiting pamilyar sa akin. Ang nag iisang kantang paborito naming pakinggan sa tuwing naglalaro kaming dalawa sa kama niya. Roiden was in his uniform. With his bouncing medium hair, he dance like he owned the stage. Grabeng confidence 'yan! I crossed my arms. Hindi ko namalayang pasinghal na pala akong natatawa habang nakatingin sa kan'ya. "Ang gwapo ni Roiden!" bulong sa akin ni Gwyneth. Hindi ako sumagot. I bit my lower lip, instead. Sinong hindi mapapakagat sa labi kung sa tuwing gumigiling siya ay naaalala ko kung paano siyang gumiling sa ibabaw ko habang pinapaligaya ako. "Damn, Roiden! Stop being sexy!" I screamed inside my head. Naghiyawan ang lahat nang sa kalagitnaan ng pagsasayaw nina Roiden ay bigla siyang tumalon pababa mula sa stage at doon ipinagpatuloy ang pagse-sexy dance. "Oh my god, Terese!" Gwyneth giggled. Hindi ko maitago ang ngiting kumakawala sa labi ko habang pinapanood si Roiden na lumalapit sa akin. I gasped. Nag-sexy dance ba naman sa harapan ko. "Roiden, tumigil ka na nga!" saway ko sa kan'ya pero pinagtawanan niya lang ako. Panay ang hiyawan sa paligid ko. Nang natapos ang tugtog ay lumayo sa akin si Roiden at nagtungo siya sa isang kaklase naming lalake na malapit sa stage. Lumingon ako sandali kay Gwyneth upang sana'y sawayin siya sa ginagawang pagtili at pagyugyog sa akin. "Gwyneth, stop it!" "Terese, look!" she said habang ngumunguso sa direksyon ni Roiden. Lumingon akong muli roon at sa paglingon ko'y malambot at kulay puting balahibo ang sumalubong sa mukha ko. f**k! I heard how the f*****g students laughed. "Ay, sorry!" bakas sa boses ang tawa ni Roiden nang sabihin niya 'yon. Sabay inilayo niya sa mukha ko ang isa palang malaking stuff toy na pusa. "For you, Terese," he said. Iniabot niya sa akin ang stuff toy na agad ko namang tinanggap. "Thank you!" nakangiting sabi ko. Mahilig ako sa pusa kaya hindi ko naiwasang kiligin nang ito ang ibinigay niya sa akin. Iniabot niya rin sa akin ang isang bouquet ng white roses na siyang tinanggap ko rin. And then he kneeled down. My eyes widened and my freehand immediately landed on my lips. "Roiden..." I whispered. Sana mali ang iniisip ko. "Terese... will you be my—" "Stop!" nakapikit na sigaw ko. "Stop it, Roiden," I shook my head. "Please, huwag mong gawin 'to." "Girlfriend?" wala sa sariling pagtutuloy niya sa sinasabi niya kanina na pinutol ko. The crowd cheered. Pero kaming dalawa ni Roiden ay tikom lamang ang mga bibig na nakatingin sa mga mata ng isa't-isa. Malakas ang kabog ng dibdib ko. I wanted this. I really wanted this to happen. But not in this very moment. Hindi sa panahon kung saan nag desisyon na ang pamilya kong ipadala ako sa Italy. "Terese..." He whispered. "I like you." Nakangiti si Roiden sa akin. But his eyes we're too expressive. Nakikita ko roon ang nagbabadyang kalungkutan. Lungkot dahil alam niyang maaaring masaktan siya sa mga salitang lalabas sa bibig ko. "If I we're be given a chance to love you. I promise to do it forever. If you'll just say..." He bit his lower lip. "Yes to me." Umiling ako. "I'm sorry, Roiden... But I can't reciprocate your feelings," sabi ko at agad siyang tinalikuran at mabilis na naglakad palayo. Naramdaman ko ang mabilis na pagbabara ng lalamunan ko. Nagbabadyang tumulo ang mga luhang kailangan kong itago sa lahat. I can't love you now, Roiden. Too early. Too risky. Masasaktan lang tayong pareho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD