Lahat ng babae nangangarap ng isang engrande at masayang kasal. Iyong kasal na halata at malalaman ng lahat sa unang kita pa lang na talagang pinaghandaan. Ako : Hindi tayo nagkita kahapon. Pero sana nagpadala ka man lang ng mensahe o kaya ay nagre-reply ka man lang sana sa mga texts ko sa iyo. Ibinaba ko ang cellphone ko matapos ang isang mensahe para kay Rick. Nag angat ako ng tingin sa salamin upang makita kung sino ang pumasok sa pintuan na naroroon sa aking likuran. "Ang ganda ganda mo, Terese." Matamis akong ngumiti kay Ate Irene. "Mas maganda pa sa iyo?" pagbibiro ko sa kan'ya. Matamis pa rin ang ngiti sa aking labi. Tapos na akong make-upan. Ang wedding gown ko na lang ang hindi ko pa nasusuot. Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ni ate. Nakita ko kung paanong mamuo ang mg

