"Are you okay?" Roiden asked me. Kasalukuyan niyang karga-karga si Elio at pinapatulog niya sa kan'yang dibdib. Ako nama'y nakasandal sa headboard ng kama at nakaharap sa laptop upang atupagin sana ang trabaho pero ilang minuto na ang nakalipas ay nakaharap lang ako sa laptop na walang kahit anong natitipa. I was busy reading the email that was sent to me pero nakailang ulit na ako roon ay wala pa rin akong naiintindihan. Gumugulo sa aking isipan ang kasalukuyan kong sitwasyon. Ang pagdududang nararamdaman ko sa aking katawan ay hindi ako pinapatahimik. Nag angat ako ng tingin kay Roiden at nakitang tulog na si Elio sa bisig niya. Napangiti ako. Hindi ko inaasahang darating ang araw na 'to. Na magkakaroon ng tatay si Elio. Though, hindi ko naman ise-sekreto kay Elio ang tungkol kay Rick

