I THREW MY WIFE A GLANCE AND SMILED. Katatapos lang namin sa shower at magbihis, hinihintay ko na lang siya ngayon na matapos sa pagpapatuyo ng straight at mahaba niyang buhok. Kasalukuyan akong nakaupo sa kama namin at nakasandal sa headboard. Hindi pa rin ako makapaniwala na may nangyari na ulit sa amin. Hindi ko na alam kung ilang beses ko nang nasabi pero sobrang saya ko. After more than a month of endurance, I finally got the chance to make love to her again. Mahina akong natawa nang makita ko siyang humikab na parang biglang inantok, napanguso pa siya at nakita ko sa mata niya na parang napagod siya kaya mas lalo akong napangisi. “What’s the matter?” natatawang tanong ko pa. “Inantok ako bigla, ikaw kasi pinagod mo ako,” sagot naman niya kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko s

