Nais man ni Abby na magpahinga ngunit dahil panay ang pangungulit ng kanyang ina na harapin niya ang Ninang Daphne ay napilitan siyang harapin ito.
Nasa Patio si Ninang Daphne niya kasama ng kanyang mga magulang nang bumaba siya mula sa kanyang kwarto.
Lumiwanag agad ang mukha ni Ninang Daphne niya nang makita siya palapit sa kanya.
"Oh, here she is," sabi ng kanyang ama, at hinalikan siya sa pisngi.
Napangiti na lang siya, at isa-isang hinalikan sa pisngi ang kanyang mga magulang. Tapos sunod na hinalikan si Ninang Daphne niya. Niyakap naman siya ng huli.
"Hi, Abigail. It's good to see you," sabi ni Daphne, at tinapik-tapik ang likod ni Abby.
"Ako din ho, Ninang," sabi niya, at kumawala sa yakap nito.
"I'm sorry, kung inistorbo ko ang pamamahinga mo," paumanhin pa na sabi ni Daphne, at pinakawalan siya sa kanyang yakap saka ningitian siya nang pagkatamis-tamis. "Lagi ka kasing wala, kapag pumupunta ako dito. Hindi din kita mapasyalan sa villa na tinutuluyan mo gawa ng super hectic ang schedule ko. Kaya nang sinabi ni Mama mo sa akin na uuwi ka, sinamantala ko na dumaan dito."
Sinamaan niya ng tingin ang kanyang ina, bago bumaling kay Ninang Daphne niya.
"Okey lang ho," sabi niya, at umupo sa pang-isahan na sofa. "I guess masyadong importante po ang inyong sasabihin para sadyain ninyo ako dito."
Nahihiyang tinignan siya ni Daphne. "Parang ganoon na nga."
"Ah... mag-usap muna kayo ng Ninang mo," sabi ng kanyang ina, at binalingan ang kanyang ama. "Millo, why don't we give them some privacy."
"Okey. Why don't we go upstairs, and take up where we left," mahinang bulong ng kanyang ama pero hindi ito nakatakas sa pandinig niya.
"Papa!" sabi niya, at pinandilatan ang kanyang ama. Ngunit ngumisi lang, at tumawa nang mahina si Howell. Ang kanyang ina naman ay namula lang ang pisngi.
Napailing-iling tuloy si Daphne. "Hindi pa din nagbabago itong si Howell talaga."
Hinawakan ni Abby ang kanyang noo. "Para silang teenager!"
Ngumisi si Daphne. "They're head over hells with each other. So, dapat masanay na kayo," saad nito, at tumawa.
Napatawa na din si Abby. "Ewan ko ba, Ninang, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay sa PDA nilang dalawa. At sa tingin ko, hinding-hindi ako masasanay."
"Magagawa mo, kapag umibig ka,"
sabi ni Daphne sa kanya.
"Umibig? I'm sorry, Ninang, pero wala akong balak na maging tanga ulit. Ang huling beses, ibinigay ko ang aking puso, pinaglaruan lang ito, at winasak nang husto."
Alam niyang nabigla niya si Ninang Daphne niya sa kanyang winaka dahil namilog ang mata nito, ngunit nasabi niya na, at hindi na niya mababawi pa.
"Kinasusuklaman mo pa rin siya."
Hindi ito tanong kundi isang pahayag, at hindi niya ito maitatanggi.
“Hindi ko siya kinasusuklaman, Ninang. Kundi nagagalit ako sa kanya dahil ginagawa niya akong tanga," pag-amin niya.
"Oh My God, mahal mo pa rin siya!" gitlang sabi ni Daphne, at inilibot ang mata sa paligid para siguradohin na wala sa paligid ang kanyang magulang. Tumayo si Daphne sa kanyang kinauupuan, at lumapit ito sa kanya.
"Don't deny it, Abby. You won't hate him so much unless you're still in love with him. Tama na ako, 'di ba?"
"Nagkakamali kayo, Ninang." Napayuko si Abby. "Hindi ko na siya mahal."
Hinawakan ni Daphne ang kanyang baba saka tinitigan ang kanyang mga mata ng may pagtatanong.
"Hindi mo kailangan magsinungaling sa akin. I'm sorry kung labis na sinaktan ng anak ko ang puso mo. Hindi kita masisisi, at hindi ko din siya maaring ipagtatanggol. Pero sana makita mo na hindi dapat masira ang kung ano man tayo dahil lamang sa pagkakamali ni Xander sa 'yo. Isang pagkakaibigan, at ugnayan na ang nasira. Naputol na ang magandang ugnayan ng Araneta at Decini. At ayokong masira din ang ugnayan ng mga Garcia at Russo."
"Malawak ang pang-unawa ng aking mga magulang. At natitiyak ko na mananatili ang magandang ugnayan ng ating mga pamilya."
Umupo si Daphne sa armrest ng sofa saka inakbayan siya.
"Kung ganoon, wala pala akong dapat ikabahala," masayang sabi ni Daphne.
Nagsalubong ang kilay niya. Mabilis na naalala ang ngiti sa labi nito. Bigla sumeryoso ang mukha ni Daphne.
"I'm really glad na hindi ka galit sa amin, Iha. Kaya ako pumunta dito dahil kailangan ni Xian ng isang model para sa kanyang wine advertisements. And we're hoping na pagbibigyan mo kami."
Napatigil ang mundo ni Abby. Biglang bumilis ang pagpintig ng kanyang puso na parang hinahabol siya ng isang libong aso. Hindi niya aakalain na ang maging modelo ng wine ng mga Garcia ay pakay ni Ninang Daphne niya.
Umiling si Abby. Agad namang kinabahan si Daphne.
"I hope you're not going to say NO," sabi ni Daphne. Bakas ang pagkabalisa sa kanyang mukha, at boses. "It was your Ninong Austin suggestion. Sana pagbigyan mo kami."
"Gusto ko sanang sabihin na Oo, pero hindi pwede, Ninang. Una, hindi bagay sa akin ang alak. Pangalawa, may kontrata akong dapat parangalan. At pangatlo, sa tingin ko, hindi nararapat na gawin ko ang trabaho dahil hindi naman talaga ako umiinom ng alak," matapat niyang sabi, at tumingin sa kay Daphne nang may paghingi ng tawad. "Pasensya na talaga kayo. Ayokong i-mislead ang mga tao sa isang bagay na hindi naman parte ng pagkatao ko."
Huminga ng malalim si Daphne. "At eto, akala ko mabibigyan mo kami ng pagkakataon."
"But I can ask Megan. She could model for you," sabi niya, at ngumiti sa kay Daphne. "Huwag sana kayong magtampo. I can model anything for you except alcoholic drinks."
Napaawang ang labi ni Daphne. "Oh, really?" sabi pa nito na parang batang nakatanggap ng reward. "Swear?"
Napahalakhak si Abby nang mahina. "YES, Swear po."
"Aasahan ko iyan ha. Thank you, Abby. This means a lot to me." Wala sa oras na napayakap si Daphne sa kanya. "Ibabalita ko ito agad kay Ninoy Austin mo, at kay Xian. Tiyak na matutuwa sila. Paano iyan, I've got to go. Baka naiinip na si Hulk sa kakahintay sa akin."
"You still call him that?" hindi niya makapaniwalang tanong.
"It's my endearment to him. So I don't see no reason why I can't." I'm
Masayang inihatid ni Abby si Daphne sa labas ng kanilang bahay kung saan naghihintay ang kanilang driver.
Nang makaalis na ito ay nakaramdam siya ng kakaibang saya sa kanyang puso.
"Did you say Yes?" tanong ng kanyang ama. Agad siyang lumingon sa kanyang likod.
"Not exactly. Though, I told her, I can do modeling for her except wine."
"That's fair enough," sabi ng kanyang ama. May matamis na ngiti ito sa labi. "I'm so happy that you're not closing your heart."
She shrugs her shoulders. "She's not the villain in my life, Papa, so why hate her?"
Inakbayan siya ng kanyang ama. "But you need to forgive Xander eventually. For your peace of mind."
"No. At bakit ko naman gagawin iyon, when I can peacefully sleep at night," madiin niyang sabi, at tinignan ang kanyang ama. "I hope you respect that, Papa."
Tumango na lang si Howell nang makita ang determinasyon sa mata ng anak.
"Pero hindi ko maipapangako na hindi ko ipapaalala sa iyo paminsan-minsan, na hindi mahalaga ang nakaraan, ang mahalaga ay ang ngayon. Hindi mo na mababawi ang tapos na, Abigail. Lahat tayo ay nagkakamali, at nagkukulang. Hindi makakabuti sa tao ang nagtanim ng hinanakit sa puso."
"Hindi ko pa din siya mapapatawad. Sila ni Dusk. Sila ang dahilan kung bakit nawasak ang puso ni Dawn, at nagkahiwalay kaming magkaibigan."
"Abigail Fariza!" saway ni Howell sa kanya. "You have to let go of the past, and forgive Xander and Dusk."
"No, Papa. I will not forgive them. It will take eternity for me to forget what happened."
Malungkot na tinignan ni Howell ang kanyang anak. Somehow, he can't blame her. Masyadong naapektuhan ito nang umalis sila ng Pilipinas at lumapit ng France.