Pag-uwi ko sa bahay namin ng gabing iyon ay naabutan ko siyang nakaupo sa sofa at alam kong hinihintay niya ako ng mga oras na yun. Makita niya ako ay agad na tumayo at lumapit siya sa akin. "Bakit ngayon ka lang? saan ka nanggaling?" nag-aalala na tanong niya. Hindi ko din masyadong maintindihan ang sinasabi niya umiikot na yung paningin ko mabuti at hinatid ako nila Allen at Gab gusto pa nga nito na ihatid pako sa loob. Umupo lang ako sa pang isahang sofa na kaharap niya. Para na akong mamatay sa sobrang kalasingan. “Siren's house." maikling sagot ko. "You're drunk." sabi niya. "Yeah, obviously." pabalang kong sagot. Halatang hala naman na wasted ako gulo gulo na ang buhok ko dahil hindi ko na iyon maayos dahil nga umiikot na ang paningin ko ng mga oras na iyon. “Kumain kana ba?"

