Kaya pala nag-aaya sila na mag punta kameng lahat doon dahil gusto ni Jeorge na mag girls out kame, kakauwi lang kasi niya galing sa Cebu dun kasi ang last ng filming niya sa movie na ginagawa nila, the director friend. Gusto daw niya mag relax kasama kame so sino ba naman kame para tumanggi. Wala rin namang nagawa sila Kojic kundi pumayag mag paiwan at mag alaga sa mga bata. Gusto lang talaga ni Jeorge para hindi siya hanapin ng mga bunso nila dahil madaming mga bata at malilibang may makakalaro ang mga ito hindi mamamalayan na wala siya sa bahay. Nag pa’parlor muna kame, Nag pa hair cut ako. Pinaiklian ko na yung buhok ko hanggang sa balikat lang. Nag pa’hair color or treatment naman sila. After napa spa naman kame, massage din full body. Grabe sobang sarap dahil sobrang masakit na ang

