I just roll my eyes again. Tumalikod na ako lumakad palabas doon, akma kong bubuksan ang pinto ng biglang may nauna nang mag bukas neto mula sa kabila. Nanlaki bigla ang mga mata ko at napa hakbang ako paatras. Nag katitigan kame napakagat ako sa labi ko, damang dama ko ang mabilis na pag t***k ng puso ko. Nanlalamig na din ang mga palad ko sa kaba. Yung mga matang nakatitig sakin ay 'yung mga mata na gustong gusto kong makita muli sa loob ng ilang taon, ngayon ko nalang ulit nakita. Pinakatitigan ko ang buong mukha nya dahil sa tagal ng panahon akala ko ay hindi ko na muling makikita ang mukhang iyon. I want to hug him. Sobrang nangungulila ako sa kanya, but I need to stop myself. "Ehem!" Bigla akong nabalik sa ulirat ko. "Excuse me." sabi ko. Pero siya hindi natinag manatiling nak

