Halos hindi ako pinatulog dahil sa kakaisip ng mga naganap kagabi, bakit parang sunod sunod na naman ang mga pangyayaring hindi inaasahan na hindi naman magandang pangyayari. Bumaba na ako para pumunta sa kusina at mag timpla ng kape. Masakit nga ang ulo ko dahil sa kulang sa tulog. Kailangan ko pang mag groceries ngayong araw dahil wala na kaming pagkain, para pang one week namin dahil mananatili ako sa bahay ngayong linggo para matutukan na turuan ang mga bata sa pagsulat at pagbasa dahil ilang week nalang pasukan na dapat maayos na silang magsulat ng mga pangalan nila. "Aga mo magising." bati ni tita na nag tumutulong mag luto sa isa sa mga kasama niya sa bahay. "Hindi ako nakatulog tita." humugot ako ng isang bangko at naupo. "Nakita kami ng parents ni Kojic kanina." Napahinto si

