Pagod akong pabagsak na humiga sa ibabaw ng kama. Nasa isang beach resort kami dito sa Palawan, dito nila pinili mag check in. Kanina pa naman kame nakarating dito. Nakapag libot libot pa nga ako. Umakyat lang ako para mag palit ng damit dahil lalabas daw kame at mag iinom ng kaunti dahil bukas pa naman ang flight namin pabalik ng Manila. Dapat ay sa Cebu kame ngunit hindi iyon natuloy kaya pabalik na sa Manila ang lipad bukas ng hapon. Kaya naman ikinatuwa naming lahat iyon dahil kahit papaano ay makakapag relax muna kami. Tamad na tamad akong bumangon at nag hanap ng pwedeng suotin para makalabas na. Maya maya baka kumatok na ang mga babaeng 'yun dito. Marami tao dito sa resort na ito dahil maganda ang beach nila. Nag kakaayaan ngana mag swimming. I always bring my red two-piece biki

