I woke up in the morning nasa bahay ako namin ni Kojic. Sakit ng ulo ko parang pinupukpok ng martilyo sa sobrang sakit. Talagang nasobrahan nga ata ako sa inom kagabi. Dito niya pala ako inuwi. Nakaupo ako sa kama na sapo sapo ang ulo dahil masakit talaga ito ay parang gusto ko ng tanggalin. Dahan dahan akong tumayo dahil nahihilo din ako. Nagpunta ako sa bathroom to freshen up. Nakita ko na iba na ang suot kong damit panigurado pinalitan niya ako ng damit kagabi. Malamang mabaho na iyon dahil ang pag-kaka-alala ko nagsuka ako kagabi ng nakauwi na kami. Nag toothbrush ako then nag shower lang ng mabilis. Nag suot ng pang bahay kong damit. Nagsusuklay at pinusod ang mahaba kong buhok Tsaka ako lumabas ng kwarto at bumaba naabutan ko siyang nandoon sa kusina naka palumbaba at parang batang

