Napatingin naman si Benjamin sa paligid, mukhang hinahanap kung nasaan ang basura na tinutukoy ni Larra Viray. Pero nanatili lang ang paningin ko sa matandang babae. Sa pagkakaalam ko ay kaedaran siya ni Mama. Nagkunwari pa siya na nababahuan nang mapalapit siya sa amin, dahil nakaharang kami sa malaking gate ng bahay nila. “Wala namang basura, nasaan ang mabaho?” sarkastiko na tanong ni Benjamin sa kaniya. Dahil nakasalamin si Larra, ibinaba niya ang kaniyang suot na salamin upang matingnan si Benjamin. “Sino ka ba? Umalis ka nga sa harap ng bahay ko,” iritang sambit niya. Bastos nga talaga ang isang ‘to. Walang duda na siya talaga ang naunang nanakit sa ina ni Paige. Kahit hindi na kailangang ng statement niya ay malakas na talaga ang kutob ko na siya lang ang may kasalanan at hindi

