Krista is in silence, kasalukoyan siyang nakasakay sa kotse ni Nigel. Ni isa sa kanila ay walang nagtatangkang magsalita, wala rin naman kasi siyang sasabihin and besides baka magtalo na naman silang dalawa. "Liko ka sa kanan," wika niya ng makita ang village na kaniyang tinutuloyan. At imbes na lumiko ito ay mas lalo lamang nitong binilisan ang pagmamaneho, dahilan para siya ay mapakapit ng mahigpit sa seatbelt. "What the hell are you doing Nigel?!" bulalas niya sa gulat. Nanatili itong walang kibo na siyang mas lalong nagpainit ng kaniyang ulo. Buong lakas niya itong hinampas sa braso pero wala man lang naging reaksyon reaksyon ang loko. "Nigel stop the car!" muling sigaw niya at kinalampag ang salamin ng kotse. Hindi niya alam kung saan sila patungo, hindi niya rin alam kung nasa

