Hindi alam ni Felix kung ilang beses niya ng kamuntik na makita si Kamatayan. Ang salarin? Walang iba kundi ang lalaking kaniyang pinagsisilbihan—si Nigel. Muli, siya ay napangiwi ng makitang muling nagbukas ng alak ang kaniyang amo. Kanina pa ito umiinom, magbuhat ng umalis ang babaeng nagngangalang Krista. Hindi niya alam ang buong nangyari, basta ang nadatnan niya lang ng pumasok siya sa opisina ni Nigel ay ang mahabag damdaming pagtangis nito na ngayon niya lang nasaksihan. "Your highness please stop drinking—" "Am I a jerk Zane?" tanong nito, dahilan para nagkatinginan sila ni Zane. "Anong sasabihin ko?" bulong nito sa kaniya, na siyang ikinakibit balikat niya lamang. "Tinatanong kita Zane," pag-ulit ni Nigel, dahilan para kapwa silang mapatayo ng tuwid ni Zane. The whole offi

