Impit na napaungol si Krista nang dahil sa mabigat na bagay na nakadagan sa kabiyang dibdib, hindi siya makahinga ng maayos nang dahil doon. Unti-unti niyang idinilat ang kaniyang mga mata, at bahagya pa siyang nagulat nang dahil sa chandelier na sumalubong sa kaniya. Muntik niya ng makalimutan, nasa mansyon nga pala siya ni Nigel. Pero sandali? Ano nga ba 'tong mabigat na bagay na nakapatong sa dibdib niya? Mabilis niya iyong pinagtuonan ng atensyon, at ang kaniyang mga labi ay umawang ng makita ang braso ni Nigel doon. Nagtatalo ang puso't isip niya nang dahil sa sitwasyon. Ang sabi ng isip niya, ito ay tinulak niya at gisingin samantalang ang sabi naman ng puso niya, hayaan lamang ito at yaposin. Ang gulo hindi ba? Kahit siya hindi na maintindihan ang sarili niya. In the end, she dec

