Krista can't explain how happy she is at the moment. Sino ba naman ang hindi sasaya sa rami ng regalong natanggap niya mula kay Piper? She received five huge boxes na hindi niya pa nabubuksan, and aside from that she also received ten paper bags and three red tiny jewelry boxes na siyang nagustohan niya talaga.
"I brought that because it reminds me of you," Piper said, smiling.
Piper is talking about the pink bunny keychain that she's holding right now. It is really cute and yes, gusto niya ang mga ganitong bagay.
A pure, genuine smile forms on her lips because of what her cousin said.
"You really are the sweetest," she replied and hugs her cousin tightly. "Thank you very much for the gift, and welcome home."
Sinuklian naman ni Piper ang kaniyang mainit at mahigpit na yakap, na siyang naglagay ng ngiti sa kaniyang labi.
They are really close, siguro kasi same age lang silang dalawa compared to their Ate Farrah. Who's already twenty nine years old but nevertheless, she's so lucky to have them both in her life.
"It isn't home, it's a jungle." Then, she heard Piper chuckles. "Matagal din tayong hindi nagkita kaya bilang pagbawi, binili ko lahat ng mga bagay na sigurado ako magugustohan mo."
"Jungle?" Pag-ulit niya at pinalaya ito mula sa pagkakayakap. "Well, you're right ang daming wild beasts sa ibaba e." She added, grinning.
"Wild beasts na mga walang jowa," Piper said without batting an eye that makes her lost her posture—she laugh like there's no tomorrow.
Napahinto lamang siya nang kakatawa ng nahirapan na siyang huminga. Samantalang si Piper naman ay nakangiti lamang na nakatingin sa kaniya.
Tumikhim muna siya't inayos ang sarili bago nagsalita. "T-that's bad,"
"Sinong masama sa ating dalawa?" Taas kilay na pasada nito. "I am here, sitting comfortably and just spitting some facts tapos ikaw naman tawa lang nang tawa. Sino ang salbahe sa ating ngayon? Hindi ba't ikaw?" Puno ng pang-aasar nitong dugtong dahilan para siya'y mapabusangot.
Nanatili na lamang siyang tahimik dahil kahit mangatwiran pa siya, may isasagot at isasagot pa rin sa kaniya si Piper.
Piper is a kind of girl na ayaw magpatalo—and so she is, but in times like this—she can't win.
"By the way, how's your tour?" Pag-iiba niya ng usapan.
Piper heave a sigh and fixes some strand of her hair. "The tour is okay. Exhausting, yes. But most importantly I enjoyed it and so as my fans,"
"That's good," she replied, nodding. "I am genuinely happy to hear that. I am glad that you're working and enjoying the things you like at the same time,"
"And so you are," tugon nito habang malawak na nakangiti. "I heard that you're planning to extend your shop abroad, care to share?"
Krista leans on Piper's shoulder and said, "Wala pa akong concrete plan actually, pero desidido na ako sa gusto kong gawin and besides para rin naman 'to sa ikakalaki ng negosyo ko."
"Just call me if your plan is already ready," Piper said that make her forehead crease.
"Why?" She asked, curious.
"I'll model for your business,"
In shock, Krista almost fell off the bed. She stares at Piper with huge eyes and in awe.
"What?" Taas kilay at natatawang tanong sa kaniya ni Piper.
"Are you serious?" She asks. "Baka naman pinagt-tripan mo 'ko ah?" Dugtong niya pa.
"I am dead serious here dzuh," Piper even rolled her eyes.
"Baka naman singilin mo ako pagkatapos," naniningkit mga mata at nananantyang wika niya pa.
"Hey!" Atungal ni Piper. "I am not like that," hinampas siya nito na siyang kaniyang kinangiwi.
"Ang sakit ah!" Reklamo niya. "Sorry naman, nagulat lang ako sa offer at willingness mo."
"Matagal na akong willing. Ikaw lang naman 'tong matigas ang ulo," Piper snorted while glaring at her.
She sigh and held Piper's both hands, while staring at Piper's gray eyes directly.
"I am very thankful for you help. At oo, matigas ang ulo ko kasi nahihiya ako sa 'yo. Pa'no ba naman, busy ka sa trabaho ang dami-rami mong ginagawa da-dagdag pa ba ako? Syempre hindi. Ang gusto ko ay ang makapagpahinga ka because I know how exhausted and drained you are," she said softly, full of concern for her cousin.
Lumamlam naman ang mga mata ni Piper nang dahil sa kaniyang sinabi.
"Ang sweet mo naman..." Piper said and gently pinches her right cheek. "Hayaan mo sa susunod na uwi ko mas maraming regalo ibibigay ko sa 'yo," Piper added then wink, na siyang kaniyang kinatawa.
"Ginawa mo naman akong bata," reklamo niya but deep inside labis siyang natutuwa.
One thing is for sure, aside from sweets—Krista loves gifts.
"By the way, I forgot to say something," Ani Piper na siyang nagpakunot ng kaniyang noo.
"Ano 'yon?" Kuryoso niyang tanong rito.
"We got a niece,"
"Niece?" Nagtatakang pag-ulit niya. "Kanino naman? Kila kuya?" Bahagya pa siyang natawa.
"I'm dead serious here Krista,"
Nawala ang kaniyang ngiti sa labi nang dahil sa sinabi nito. Halata ngang Hindi ito nagbibiro.
She let out a deep sigh to calm herself and stares at Piper's eyes seriously. "What the hell are you talking about? Don't tell me may anak sa labas ang isa sa mga kuya at pinsan nating lalaki?"
"I thought so, but they don't have any. Hindi pa kumpermado if totoo pero iyon ang narinig ko kanina mula kay lolo,"
Sa hindi malamang dahilan, siya ay labis na kinabahan.
"Is it...Ate Farrah?" Pugto hiningang tanong niya kay Piper, na Hindi makapaniwalang nakatitig sa kaniya.
"Are you kidding me Krista? Of all the people here si Ate Farrah pa talaga ang pumasok sa isip mo? Malabo pa sa malabo na siya ang tinutukoy ni lolo," ariba ni Piper.
"Then who?!" She snapped, that she instantly regretted.
"Krista." May pagbabantang tawag nito sa ngalan niya dahilan para siya'y magpakawala ng isang malalim na hininga.
"I'm sorry for raising my voice. Hindi ko lang mapigilan," kaniyang pag-amin. "Pero sa palagay mo, sino ang tinutukoy ni lolo? Malabo naman tayong dalawa," dugtong niya pa.
"To tell you honestly, matagal ko ng pinaghihinalaan si Kuya Polaris because he's always away at isa babaero ang isang 'yon. Hindi na nakapagtatakang nakabuntis siya," saad ni Piper, na kinabagsak ng kaniyang baba.
Pero maaaring tama nga ito, may pagkababaero ngang talaga ang nakakatandang pinsan niyang si Polaris.
"Sabagay..." She lowkey agreed.
"You know what!" Sikmat ni Piper na siyang kaniyang kinaigtad.
"What?" Nanlalaking mga mata niyang tanong.
"Let's jot down our kuya's and cousins name. Let's uncover this secret on our own," Piper said, full of dedication.
"I'm in!" She replied without thinking twice. "But first, almusal muna tayo. Nagugutom na ako," na siyang sinabyan naman ng malakas na paghilab ng kaniyang tiyan.
Saglit namang napahinto si Piper nang dahil doon pero kalauna'y napatawa na lamang.
"Fine," wika ni Piper at tumayo. "Nagugutom na rin ako e," dugtong pa nito at siya'y inalalayan papatayo.
"Me too..." She whispered then groan.
Habang naglalakad pababa ng grand staircase ay patuloy pa rin silang nag-uusap at nagtatawanan. Mabuti nga't hindi sila nadudulas, natatapilok o kung ano pa man.
The huge ancestral renaissance inspired mansion got an elevator, but they're not on the mood to use it. At isa pa, nakakasawa ring mag-elevator 'no.
Hindi pa man sila tuloyang nakakapasok ng family room ay rinig na rinig na agad nila ang malalakas na tawa magmula roon.
"That laugh sounds like my older brother Pace," Piper said out of nowhere that shocks her. "He sounds like mangkukulam," dagdag pa nito.
Napakamot na lamang siya ng noo sapagkat ang mga lumalabas sa labi ni Piper ay totoo. Truth hurts.
"Let's go Krista. It's time to make them cry," Aya nito na siyang malugod niya namang pinaunlakan.
Sa kanilang pagpasok sa silid, lahat ay natahimik.
"What are you looking at?" Taas kilay at nakapamewang na tanong niya sa mga ito, na sinundan naman ng samu't saring daing.
"At nandito na nga ang dalawang disney princess," kantyaw ng kaniyang Kuya Kohen, na may hawak-hawak pang bote ng alak sa kanang kamay.
"Wala na...tapos na ang maliligayang araw natin," ma-dramang saad naman ni Kuya Polaris.
"Shut up kuya!" Sikmat ni Piper dito, na siyang umani ng malakas na pagtawa mula sa ibang naroroon.
"Ohhh..." The others said in unison.
"Wala ka pala sa kapatid mo e," kantyaw pa ng kaniyang Kuya Kohen.
"Puro salita lang naman 'yang si Polaris, bahag din naman ang buntot!" Gatong pa ni Kuya Faiz, dahilan para muling mag-ingay at magkagulo ang lahat.
Napasapo na lamang siya ng kaniyang noo at walang salitang naupo sa kaniyang assigned seat, na isang pink chesterfield chair.
Tahimik niyang pinagmasdan ang anim na lalaking nasa kaniyang harapan. Ito'y mga nagkakantyawan, nagtatawanan at nagsisigawan. Daig niya pa ang nasa palengke nang dahil sa sobrang ingay.
"Argh! They're so childish!" Singhal ni Piper na naupo sa kaniyang tabi.
Kagaya niya, mayroon ding assigned seat si Piper—kulay asul naman iyon.
She just chuckles and gently caresses her cousin's right arm. "Hayaan mo na, dahil kagaya nating dalawa—tatlo kasama si Ate Farrah, minsan lang din silang nagkikita-kita."
Piper let out a deep sigh and stares at the chaos in front of them. "May magagawa pa ba ako? Tayo?"
"Wala," mabilis niyang tugon at tumawa pa ng bahagya.
"Tatahimik din ang mga 'yan kapag nakahanap na ng katapat," a deep and familiar voice said coming from their back.
Mabilis sa alas kwatro nila iyong hinarap and Krista's eyes gets clouded with tears when she saw her grandpa.
"Lolo..." Sabay na saad nila ni Piper.
"Ang mga apo kong magaganda," nakangiti nitong saad at sila'y niyakap pang bahagya.
"I missed you lolo..."
"I'm sorry for not visiting you often..."
"Hmm?" Their grandpa hummed. "Wala iyon, huwag kayong masyadong mag-isip ng kung ano-ano. Naiintindihan ko naman, hindi na kayo mga bata. May kaniya-kaniya na kayong mga trabaho at ginagawa," malambing nitong wika na siyang dahilan para tuloyan na siyang napaluha.
Her soft cries, turns into loud one as her grandfather whispers sweet and sentimental things on their ears. She really missed her grandfather very much.
"I'm so sorry lolo..."
"I'm sorry for being stubborn..."
"Ang lalaki niyo na ang iiyakin niyo pa rin," kantyaw nito, dahilan para sila'y mapanguso at mapahinto. "Tahan na, pinagkakaisahan na kayo ng mga siraulo niyong kuya,"
Mabilis siyang nagpunas ng luha at hinarap ang anim na lalaking nananahimik na—iyon nga lang, may mga hawak na camera.
"Si lolo nangdadamay pa," wika ng kaniyang Kuya Kohen.
"Kaya nga!" Pagsang-ayon naman ni Kuya Faiz.
"Nananahimik kami rito," bagsak balikat na saad ni Kuya Polaris.
"Bakit ka ganiyan sa 'min 'lo?" Tanong ni Kuya Flynt.
"Ang unfair!" Sabah na sigaw naman nila Kuya Pace at Kuya Fane.
"Mga immature!" Sigaw naman pabalik ni Piper dahilan para masapo niya ang kaniyang noo.
"At least hindi kami iyakin," kantyaw ni Kuya Polaris at bahagyang dumila pa.
"At least mas mahal kami ni lolo," pagbawi naman ni Piper dahilan para manahimik ang mga ito.
After their nonsense arguments ay nagsimula na rin sa wakas ang family meeting together with their parents, except her Ate Farrah.
Her grandfather discussed something about business and of course, about his birthday celebration na gaganapin two weeks from now.
She's in charge on her grandfather's birthday cake, while Piper is in charge for entertainment and guests. While the six mighty mens, are in charge for safety, venue and guests.
"Huwag kang masyadong magpupuyat anak ah?" Her mother said full of concern while gently caressing her hair.
A gentle smile forms in her lips because of it. Habang tumatagal ang pagtitig niya sa kaniyang ina, ay mas lalo silang nagiging magkamukha. Para silang pinagbiyak na bunga.
"Yes mom," she replied sweetly.
"Good," her mother said then kisses her cheeks. "Good luck at your task," pahabol pa nito bago tuloyang lumabas sa kaniyang silid.
Nagpakawala muna siya ng isang malalim na hininga bago tuloyang buksan ang pink na laptop niya. She begins searching for cake designs na papasa sa panlasa ng kaniyang lolo, she wants it to be perfect.
"Focus Krista. Focus," she remind herself as she scrolls.
She can't wait to create a masterpiece.