Nagising si Nigel na masakit ang ulo. Ano pa nga ba ang aasahan niya? Uminom ba naman siya ng uminom, and in addition mababa lang ang alcohol tolerance niya. "s**t!" Singhal niya kasabay ng pag-upo. "Talagang s**t. You smell like s**t and you acted like s**t yesterday evening," Wika ng pamilyar na boses, dahilan para mga mata niya'y manlaki. Mabilis niya iyong binalingan ng tingin, at ang kaniyang puso'y mabilis na kumalabog ng makita si Krista. Ito ay nakatayo sa kaniyang harapan, at salubong kilay na nakatitig sa kaniya. Imbes na matakot at labis siyang natutuwa. "Nananaginip ba ako?" Usal niya, hindi makapaniwalang ang babaeng kaniyang pinapangarap ay nasa kaniyang harapan. "Kung ibuhos ko kaya sa 'yo 'tong isang tasa ng kape na nasa gilid ko? Tingnan ko lang kung masasabi mo pa

