Lunch time na kaya pumasok na si Mikael sa loob ng tinatawag nilang baraks na nasa loob din ng Presinto para kunin ang kanyang belt bag sa loob ng kanyang locker doon. Dito sila kumakain, nag papalipas ng breaktime at kung minsan ay natutulog. Pasado alas dose na din naman ng tanghali, tamang tama sa Karinderya sa tapat ng presinto na lang siya kakain tutal suki naman na siya doon at masarap pa ang pagkain. "Uy tol ikaw ah, may sikreto ka pala sa akin." Nagulat si Mikael ng tapikin siya ng kaibigang si Jordan sa likod. Kababata niya ito at matalik na kaibigan para na nga din niya itong kapatid dahil sa samahan nilang dalawa. Kasama niya din ito sa PMA pumasok noon. Sadyang nagpa destino talaga silang dalawa dito sa probinsya nila. "Ano bang pinagsasabi mo? Anong isisikreto ko naman say

