CHAPTER 01

1611 Words
Lakad takbo ang ginawa ng bente singko anyos na si Irish makalayo lamang sa kanilang bahay. Wala na siyang pakialam kahit pa nakayapak pa at may punit ang kanyang suot na damit. Baka kung hindi siya magmadali ay maabutan na siya ng taong humahabol sa kanya. Her step father tried to rape her! Kakauwi niya lang mula sa pinapasukang Panciteria bilang kahera, at pag-uwi niya nga sa kanilang bahay ay nadatnan niyang lasing ang kanyang amain. Hindi niya ito pinansin gaya ng nakagawian niya, hindi din naman kase sila close nito. Kaya laking gulat na lang niya ng pagpasok niya ng kanyang maliit na silid ay sumunod ito sa kanya. Agad siyang dinaluhong ng matinding takot ng walang babala na hinila siya nito hanggang sa mapahiga siya sa may kalumaan niyang katre. He will rape her! That's for sure! At siguradong nakadroga na naman ito dahil napaka-agresibo at namumula ang magkabilaang mata. Kahit anong iwas niya at tulak dito kanina ay sadyang malakas ang pwersa nito. Kung saan-saan dumapo ang mga kamay nito at hindi man lang siya makasigaw dahil nakatakip ang isang kamay nito sa bibig niya. At kanino nga pala siya hihingi ng tulong? Kung magkakalayo ang mga bahay sa lugar nila at nasa gitna pa ng bukid. Wala siyang ibang puwedeng asahan kung hindi sarili niya lang. Kaya sa isang malakas na pagtulak nagawa niyang makawala sa pagkubabaw nito sa kanya. Hindi na siya nag-aksaya pa ng pagkakataon agad niyang tinuhuran ito at dali-dali siyang lumabas papalayo ng kanilang bahay. Wala siyang ibang maramdaman ngayon kung hindi ang labis na takot, nananakit na din ang katawan niya dulot ng pag tama sa kanyang higaan kanina at siguradong may mga pasa na siya maya-maya. She run as fastcas she can until she reach the main road. Kung bakit ba ganito sa bayan nila? Ni wala man lang mga poste ng ilaw ang mga kalsada. Wala din dumadaan na mga sasakyan dahil pasado alas dyis na ng gabi. Nanghihina siyang napaluhod, bigla na lang din nanglabo ang kanyang paningin, at ilang sandali pa humandusay na ang kanyang katawan sa gitna ng kalsada. Mikael is driving smoothly his 2020 isuzu d-max pick up truck. Nakabukas ang mga bintana ng kanyang sasakyan at dahil buwan na ng oktubre ang simoy ng hangin na tumatama sa kanyang balat ay malamig na. He's heading now on his home in Caparaz, one of the small but growing Municipalities on their province. Mikael or Police officer Mikael Tuazon is a thirty three years old police man. Single and always ready to mingle. Maraming naghahabol na mga kababaihan sa kanya, sino ba naman ang hindi? Sa taglay niyang natural na karisma at ganda ng katawan ay maraming namamangha sa kanya. Idagdag pa ang pagiging batang tinyente niya. His father is an American, while his mom is a Filipina. Sa Amerika siya nag-aral ng sekondarya at bumalik lang ulit sa Pilipinas para dito mag aral ng kolehiyo. He was a graduate on Philippines Military Academy one of the prestigious school here in the country, o mas kilala sa tawag na PMA na nasa Lungsod ng Baguio. Pagkagraduate niya doon ay isa na syang ganap na 2nd Lieutenant, at pinili niyang pumasok sa kapulisan dito sa kanilang bayan niya napagpasyahan na mag silbi. He just want to live away from the busy city, specially in Manila that is really crowded. Mas maayos na dito sa lugar na kinalakihan niya siya magsilbi bilang Pulis, kung saan hindi pa gaano kalaganap ang krimen. Mikael is busy hamming on the steer wheel when he suddenly step the break of his car. "Damn." Napamura si Mikael ng makita ang isang tao na nakahandusay sa gitna ng kalsada. Agad niyang hininto ang sasakyan, anong nangyari dito? Maingat siyang bumaba, inilabas din niya ang kanyang baril na nakasuksok sa kanyang tagiliran. He need to be alert lalo na at may napapabalitang mga NPA sa lugar na kinaroroonan niya. What's this? A hit and run case? Mula sa ilaw na nanggagaling din sa kanyang sasakyan ay maingat siyang lumapit dito. Babae ang nakahandusay, dahil na din sa mahaba nitong buhok at suot na damit na nakita niya. "She's still alive." Matapos pulsuhan agad niyang binuhat ang babae at isinakay sa kanyang sasakyan. She might be a hit and run or rape victim dahil punit ang suot nitong palda at tanggal ang ilang butones ng suot nitong blusa. Kita niya pa nga kanina ang malulusog nitong dibdib na hindi magawang itago ng suot nitong bra. What's wrong on you dimwits? Parang ngayon ka lang nakakita ng dibdib ng babae ah. Sabi niya sa sarili. He drive his car going on the nearest Hospital. Kailangan matingnan ng doktor ang babaeng nakita niya. And he need to investigate what happened to her. Nakahinga ng maluwag si Mikael matapos makausap ang doktor na tumingin sa babaeng tinulungan niya. Maliban sa mga galos sa paa at mga pasa sa katawan laking pasalamat niya na hindi ito nagahasa. Ang extrang tshirt na lagi niyang baon sa sasakyan ay ang pansamantalang pinasuot niya dito. Mabuti na lang at mabait ang nurse kanina at ito ang nagbihis sa babaing tinulungan niya. Now he need to call on the precinct para ma-blotter ang insidente. Hihintayin niya lang din ito magising para makausap. There is something on her angelic face that tell him she need his help. Nakaramdam siya ng galit ng makita ang bakas ng kamay sa maputing leeg nito, tanda na sinakal ito. After seeing her bruises he is sure that she's almost got rape. P-please tulungan mo ko, a-ayoko bumalik sa amin." Sabi ni Irish sa nakatayong lalaki sa harap niya. Kanina pa ako gising at tinanong nga ng lalaki na ito kung ano ang nangyari sa akin. Nag dadalawang isip pa ako noong una magkuwento pero ng mapag-alaman ko na ito pala ang tumulong sa akin at isa itong pulis ay walang pagdadalawang isip na kinuwento ko sa kanya ang nangyari sa akin. Napatiim bagang si Mikael, he just want to wring the neck of her stepfather. Naaawa siya para sa dalaga, ramdam niya ang takot nito kanina habang nagkwekwento. She even have a teary eyes for damn sake! At mukhang wala siyang magagawa ngayon kung hindi tulungan ito. "Okay, I will help you. You can stay on my house for the meantime." Pinal na sabi ni Mikael, they can now go home actually, he just waiting her to wakeup. Nabayaran na din niya ang bill sa Ospital kanina. Though he like being a good Samaritan if he can but now it's more different, papatuluyin niya pa ito sa bahay niya. "Talaga? M-maraming salamat S-sir." Nahihiyang sabi ni Irish. "You can call me Mikael, hindi naman tayo nagkakalayo ng edad. So can you walk? Or masakit ang paa mo? We can go home now." "S-sige, kaya ko naman na." Maingat akong bumangon sa pagkakahiga. Nakaramdam agad ako ng pagkirot sa aking paa na nakabandage pala. Mukhang nasugatan pa yata ako kanina habang tumatakbo. He look her intently, napaka-amo ng mukha ng dalaga. Makinis at maputi ang balat nito, idagdag pa ang mahubog na katawan. Kaya siguro tinangkang halayin ito ng amahin. Inalalayan niya ito matapos tumayo mula sa kama. He have no choice but to carry her, nakayapak nga lang pala ito ng makita niya kanina wala itong sapin sa paa na susuutin. "Hold on tight, you might fall." Humigpit ang pagkakahawak ni Irish kay Mikael dahil sa sinabi nito. Nahihiya tuloy siya, pero kailangang isantabi muna ang hiya ngayon dahil wala naman siyang ibang matatakbuhan na kamag-anak o kaibigan. Laking pasalamat niya talaga sa Pulis na ito at nagmagandang loob na tulungan siya. "You can stay here on my room, sa sala muna ako matutulog." Mikael put Irish down on his bed. Yes, on his bed. Isa lang naman kase ang kuwarto ng bahay niya. And being a so called gentleman sa kama niya ito patutulugin. "Naku, nakakahiya naman sayo, sobra-sobra na ang tulong na ginawa mo sa akin. Kahit ako na ang matulog sa labas, ikaw na lang dito sa kuwarto mo." Sabi ko agad. "No, stay here. Kapag may kailangan ka gisingin mo lang ako at kapag gusto mo gumamit ng banyo andiyan lang paglabas ng kuwarto." Inilabas ni Mikael mula sa kanyang cabinet ang isang bagong kumot, kumuha din siya ng kanyang t-shirt at boxer short para pamalit ni Irish. "You can use this, iwan na muna kita. Kailangan ko ng matulog dahil may pasok pa ako bukas." Well it's already one in the morning. Alas otso bukas ng umaga ang duty niya sa presinto. He need to sleep now, it's been a long day for him. Hinatid na lang ni Irish ng tingin si Mikael palabas ng silid nito. Mabait nga ito, at dito pa talaga siya papatulugin sa mismong kuwarto nito. Dinampot niya ang pinahiram nitong damit, at inamoy. Amoy panglalake at mabango! Inilibot niya ang kanyang tingin sa loob ng kuwarto, tipikal na kuwarto ng isang lalaki, medyo malaki nga lang ito. Pinaghalong kulay black at gray ang pintura ng dingding. Ang kama ay sa tingin niya ay king size bed, puti ang sapin nito maging ang kumot na binigay sa kanya at mga punda ng unan ay puti din. Pagod niyang hiniga ang katawan sa malambot na kama. Nakaka-panibago pala mahiga pag ganito, lalo pa at kawayan na katre lang ang kinasanayan niyang higaan. She slowly close her eyes, hindi siguro mangyayari sa kanya ito kung buhay pa ang kanyang ina, she really missed her mom so much. Limang buwan pa lang kase ng buhat ng mamatay ang kanyang ina. Sana andito pa ito at kasama siya. Wala sana siya sa ganitong sitwasyon ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD