"Ano ba Mikael tanggalin mo na nga ito!" Angal ni Irish sa binata ng makababa sila sa sasakyan. Ang loko hindi talaga tinanggal ang posas na kinabit sa kamay niya. "No i will not remove this handcuffs, walang aalis bukas naiintindihan mo?" "Mikael! T-teka ano ba! Hindi na ito nakakatuwa. Talagang aalis ako bukas kapag hindi mo pa ito tinanggal!" Pagpasok kase nila sa loob ng bahay ay bigla na lang siya nitong sinalya sa likod ng pinto. Buti na lang at hindi tumama ang likuran niya sa seradura. "Im not happy either so pakinggan mo muna ako.." "Ayoko nga sabi, tanggalin mo na nga to!" "Irish!" Bakit ba ang tigas ng ulo nito ngayon? Tanong ni Mikael sa sarili. Naghihilahan silang dalawa sa kani-kanilang mga kamay pero nunca niyang tanggalin ang pagkakaposas ng mga kamay nila at hindi n

