Matapos ng mainit na pagtatalik nila Mikael at Irish sa likod bahay muli pa itong naulit sa kuwarto ng binata. And it seems like Mikael can't really get over on Irish, hindi niya akalain na magkakaganito siya sa isang babae, yung tipong hibang na hibang siya. At kung hindi nga lang niya nasabi dito na kakain sila sa labas ay hindi niya papayagan itong makalabas ng kuwarto. Pasado alas siyete imedya ng makarating sila sa Sumilang, kalahating oras na biyahe mula sa bahay ni Mikael. Ang Sumilang ang matatawag na bay walk of the north. Kung saan kabi-kabila ang mga makakainan na nasa tabing dagat. Muntik pa nga niyang makalimutan ang bulaklak na binili para kay Irish. He's happy seeing her cheeks turned red after giving to her those flowers. Napaka simple lang talaga nito, hindi si Irish

