Kasalukuyang nasa gitna ng duty si Mikael ng tumunog ang telepono niya. Busy silang mga pulis na naroon, naka high alert pa naman ang presinto nila dahil sa nahuli nilang mga ilegal na troso sa check point kagabi, limang truck ang nahulihan nila. At ayon sa kanilang importmante meron pang tatlong truck ang ilalabas ngayong gabi na puro din troso ang karga mula sa bayan nila. "Hello, Irish?" Agad na sabi niya pagkasagot sa telepono. Siguradong may ipapabili na naman ang asawa niya mamaya, dalawang oras na lang out na kase niya sa trabaho. Irish really like to have pasalubong, at para itong excited na bata kapag umuuwi siya. Hindi materyal ma bagay ang pinapabili nito sa kanya lagi kung hindi pagkain. Kahit pa may mga stock naman sila sa bahay. In return his wife makes him happy every ni

