KABANATA 11 "DITO mo 'ko kakausapin sa number na 'to kung okay lang sa 'yo, pero wala ka rin namang choice." "Tanungin mo muna sana kung okay sa 'kin 'tong phone na binili mo. Hindi nga ako gumagamit ng android e!" Nakangusong reklamo ni Celeste. Nakabalik na siya ng Hillcrest bago mag-dinner matapos siyang ihatid ni Israel Guillanes. Naglalakad pa lang siya sa malawak na bakuran ng Hillcrest ay pinagtitinginan na siya ng lahat sa bahay ampunan, tingin niya ay kung makakapal lang ang mukha ng mga iyon at kung malapit lang siyang kaibigan ng lahat ay lalapitan at uusisain siya tungkol kay Israel. "Anyway, hindi na ba natin maimo-move 'yung plano? Pwede bang next, next weekend na lang?" "Why?" Kinagat ni Celeste ang mga daliri at nangingiwing bumuntonghininga. "Wala! I think I need

