Chapter 24

2022 Words

            HATI ang naging atensyon ni Chad sa sinag ng araw at mataas na pader nang imulat niya ang kaniyang mga mata. Alas ostso y medya na pala ng umaga, hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya sa rooftop sa pag-iisip kay Andrea. Hindi niya ininda ang matigas at malamig na lapag sa pagkakahiga dala ng labis na pagod kagabi. Kahit masakit ang katawan ay nagawa pa rin niya ang kaniyang plano. Subalit hindi niya alam kung gumana ba iyon.             Mumukat-mukat siyang tumayo at kinuskos ang mga mata hanggang sa nakarinig ng pamilyar na boses na tingin niya ay papunta sa kaniyang paroroonan. "Chad!" tawag sa kaniya ng amain.             "’Tay, nandito ako!" sigaw niya kay Mang Tonyo.             Ilang sandali lang ay saka siya natagpuan ng tatay-tatayan na nakalupagi pa rin s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD