IBA'T IBANG kulay liwanag ang tumatama sa mata ni Chad. Malakas na musika at maingay na paligid. Mga nagsasayawan ang mga iyon na tila ba walang iniisip na problema. As usual, nasa isang bar na naman siya kasama ng mga kaibigan at katrabaho. Tulala lang siyang pinagmamasdan ang kawalan habang sinisimsim ang alak na laman ng basong hawak. Tila lutang ang isipan ng binata sa kung saan. Ni hindi nito pinapansin ang babaeng panay ang lingkis sa kaniyang braso at hinahalikan ang kaniyang leeg. Naiirita siya pero hindi niya magawang sawayin ang babaeng iyon sapagkat hindi niya ugali ang mamahiya ng babae. Napansin naman iyon ng kaibigan niyang si Mark. "O, pare. Bakit parang lipad ang utak mo. Hindi ka ba masaya na ikakasal na ako?" He was invited to Mark's

