MALAPAD ang ngiting sinalubong ni Andrea si Chad nang makita niya itong bumaba sa sasakyan. Hindi niya pinalagpas ang mga sandali at kaagad na tumakbo sa labas ng tarangkahan para yakapin ito. Hindi naman inalintana ng binata ang bigat ng dalawang plastic ng mga prutas na dala niya maramdam lang ang mainit na pagsalubong sa kaniya ni Andrea. "Hindi halatang na-miss mo ako, a?" sarkastikong wika ni Chad na pinilit pa ring bumawi ng yakap sa dalaga. Nang bumitaw naman si Andrea ay doon lang nito napagtanto na masyado nga siyang nasabik na makita ang lalaki. Pero inaamin niya naman sa sarili niya na talagan na-miss niya si Chad. "Yumuko siya at pakunwaring pinaglaruan ang daliri. Senyales na nahihiya ito. "Ang totoo niyan, buong gabi k

