Chapter 54 (Part 2): First College Dorm Party

1430 Words

Pakiramdam ko lahat ng tao sa unit namin ay nakatingin sa ‘kin ngayon. Naghihintay silang marinig kung anong isasagot ko tungkol sa issue na kinasasangkutan ko. Kung bakit ba naman kasi ngayon pa naisipan ni Chloe mag-organize ng farewell party. Kung kailan pa talaga umiiwas ako sa maraming tao dahil nagbabakasakali akong baka sa paraang ito ay mamatay ang issue tungkol sa ‘kin. Tuloy ngayon ay para itong apoy na muli na namang sumiklab. Ang malala pa, ako lang ang napapaso. “…or baka ayaw mong i-share sa ‘min kasi ayaw mo rin nang may ka-share sa mga boys?” tanong pa ng intrimitidang kaibigan ni Chloe nang hindi ako agad nakapagsalita. “Oy teka. Ano bang nangyayari rito?” pumasok na si Maeve sa eksena. Bakas ang pagtataka sa kanyang mukha dahil ‘di niya narinig kung anong nangyayari. “

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD