Pagkatapos ng maghapong pag-iyak at pagsigaw ko sa bawat lecture room na pinuntahan namin ng mga kasama ko sa UTG, dumiretso pa ako sa ticket booth na naka-set up sa quadrangle. Malayo pa lang ay nakita ko na si Cara rito pati ang iba pang UTG members na kasali sa production team. Isa ako sa naka-assign ngayon na tumao rito pero bukas at sa mga susunod pang araw, may iba namang papalit sa akin. Sinadya ko nang mag-volunteer sa first day ng pagbebenta namin ng tickets para hindi ko na ito kailangan pang isipin kasabay ng midterm exam. Natuwa naman ako dahil paglapit ko sa booth ay maaliwalas ang mukha ni Cara. Mukhang hindi tulad kaninang umaga, good mood siya ngayon dahil kinongratulate niya ako sa successful promotion namin. “Oh eto. Uminom ka muna ng tubig. Alam kong pagod ka,” sabi

