Chapter 50 (Part 1): First Home Invite

1595 Words

SUMAKAY kami ng jeep at tricycle papunta sa bahay nina Gabriel. At ngayon ko nalamang hindi pala ganuon kalapit ang bahay nila sa eskwelahan namin katulad ng inaakala ko. Palagi kasi siyang umuuwi ng tanghalian kaya akala ko malapit lang sila. Ayon pala ay mali ako. Now it makes sense why he’s always in a rush to leave the lecture room. Hindi siya nagmamadali para makaiwas sa mga tao. Nagmamadali siya dahil kailangan niyang makarating agad sa bahay. Palagay ko ay halos kalahating oras din ang byahe niya kapag pinagsama ‘yong oras papunta sa bahay nila at pabalik sa UA. Maswerte lang kami ngayon dahil parang lumilipad ang jeep na nasakyan namin. Commuting must be a daily struggle for him. Kaya lalo tuloy akong humanga sa pagiging matiyaga niya. Kung ako kasi siya ay hindi ko kakayanin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD