Hindi ko maaaring makalimutan ang pagtulong ni Gabriel sa ‘kin noon. Hindi siya nag-atubiling ipagtanggol ako kay Tan kahit kung tutuusin ay pwede naman siyang magpanggap na walang nakita. He acted as my knight, and here I am trying to be one for him now. Dire-diretso kaming naglakad ni Gabriel hanggang makalabas ng restaurant at makarating sa parking lot. Paghinto namin ay agad ko siyang hinarap. “Okay ka lang?” Nagkasabay pa kami ng tanong ni Gabriel sa isa’t isa. Natigilan ako nang makitang bahagya siyang yumuko. Nagtaka ako kung bakit kaya sinundan ko ang tingin niya. Dito ko nakitang magkahawak pa rin pala ang mga kamay namin dahil sa paghila ko sa kanya. Ang higpit pa ng hawak ko dahil sa panggigigil. Agad naman akong bumitaw dahil mukhang hindi siya kumportable. “Ay sorry!”

