PAGBALIK namin ni Gabriel sa University of Alcazar, dumiretso na agad kami sa PE class. Mabuti na nga lang at palaging late si Sir Guapo kaya naman kahit nahuli kami ng dating sa lecture room, hindi pa rin kami marked as late. Kapwa naghahabol ng hininga dahil sa pagtakbo, nang magkatinginan ay nagawa pa naming matawa ni Gabriel. Huminto kami sa pinto ng lecture room. At nang makita ako, palagay ko’y pumasok ulit sa isip niya ang nakakahiyang nagawa ko sa jeep. Agad tuloy akong sumibangot. Mukhang matagal akong makaka-move on sa kahihiyan dahil ang lakas palang mang-asar ni Gabriel kapag naturuang makipag-usap sa tao! Kung tutuusin ay kasalanan naman niya ang nangyari. Sa sobrang sarap niyang kausap, nawala sa isip ko ang iba pang bagay. “Sayang hindi mo nakita ‘yung tingin sa ‘yo nung

