PINAGSISIHAN ko agad ang huling chat na pinadala ko kay Marco. Pero dahil wala ngang unsend option ang dating app na gamit namin, wala akong choice kung hindi hampas-hampasin ang ulo ko. Gusto ko na lang magpakain sa lupa. Ano bang iniisip mo, Tiara? Ayaw ka na ngang kausap nung tao. Hindi pa ba obvious at kailangan mo pa talagang lalong ibaba ang sarili mo? Nadala kasi ako ng emosyon pagkatapos kong makita si Marco nang ‘di sinasadya rito sa University of Alcazar. Malakas ang kutob kong pareho kami ng pinasukang university. And now I’m confused and frustrated. Bakit hindi niya sinabi sa ‘kin ang tungkol dito? At paulit-ulit pa rin sa isip ko ang tanong na hindi ko mahanapan ng sagot: Bakit bigla na lang siyang hindi nagparamdam? Muntik ko nang iumpog ang ulo ko sa lamesa nang mag-ri

