Dahil masyadong marami ang bisita ni Cara at karamihan ay mas piniling manatili sa dining at pool area, napagdesisyunan namin ng mga kasama kong manatili sa living room. May ibang tao rin naman dito pero mas malaki ang espasyong pwedeng okupahan. Nakaupo kaming mga babae sa malawak na hagdanan, samantalang ang mga lalaki namang kasama namin ay nakatayo. Ipinatong nila ang kanilang plato sa ibabaw ng malaking bato katabi lang ng hagdanan. Maganda rin talaga ang pwesto namin dahil may floor-to-ceiling na glass walls dito kung saan tanaw na tanaw namin ang pool area, at Taal volcano na sikat dito sa Tagaytay. “Tiara, nagpapa-send si Mama ng picture,” sabi sa akin ni Kuya Jerrick maya-maya habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain. Nakikipag-usap pa ako sa mga ka-dorm ko nito kaya natigil ka

