GUSTO kong sumali sa eating contest para tulungan si Gabriel manalo ng laptop. Kapag kasi dalawa kaming sumali rito, dalawa rin ang chance niyang manalo. Hindi ako confident na kaya kong talunin ang mga malalaking bulas na kasali. Wala rin kasi akong nakikitang babaeng participant. Pero ang alam ko lang, kailangan ni Gabriel ng laptop. And if I can’t buy one or even let him borrow mine, I think participating in this contest is the only thing I could do for him now as his friend. Isa pa, si Gabriel din naman ang nagsabi sa akin noon na walang masamang sumubok. Manalo, matalo, ang mahalaga ay sinubukan kong tulungan ang kaibigan ko. “Wala nang gustong sumali?” tanong pa ulit nung lalaking palagay ko’y host ng event na ito. ‘Yung suot niya kasing shirt ay may brand ng food stall na nagp

