Lucario “Saan ka pupunta?” Walang gana kong nilingon ang ungas na humahasa ng bago niyang itak. Ngingisi-ngisi ito dahil tila may naiisip nang ideya sa kung saan ako tutungo. Umangat ang sulok ng labi ko at natuwa nang maalala ang babaeng nakilala ko kahapon sa bahay ni Eman. Punyeta, kaakit-akit ang mukha. Ang bango, ang sarap, lalo na ng labi nito. Nakakapanggigil. Sarap lapain. “Bibisitahin ko ang darling ko, may sakit, e,” kaswal na sambit ko sa kapatid na lalo nitong ikinangisi. “Darling natin, Steve. Sa atin siya,” pagtatama nito na lihim kong ikinangitngit. Palaban ang ungas. Pero hanggang saan ba ang kaya niya? ‘Di hamak na mas mukha siyang talunan kaysa akin. Sisiguraduhin kong ako ang mananalo sa laban namin na ‘to sa isang babae... Lihim akong nagdiwang nang mapunt

