Thylane “Noong nanganak po ba kayo ay nahirapan kayo nang sobra?” kinakabahan kong tanong. Nanlamig ang mga kamay ko. Bahagya itong napatango, saka ako tinawanan. “Nahirapan ako sa dalawang lalaki, pero sa iyo ay hindi naman. Maliit ka lang kasi noon, e.” Ikinumpas nito ang kamay upang sabihin na ipagpatuloy na namin ang pagkain. Kaya kahit marami pa akong nais itanong ay nanahimik na lamang ako... Panay ang haplos ko sa tiyan ko habang nasa loob kami ng sasakyan. Si Daddy ang nagmamaneho, sa gilid nito ay si Mommy na nagla-laptop dahil sa trabaho, habang ako ay tahimik na nakikinig ng musika sa likuran. Hindi ako mapakali, sulyap ako nang sulyap sa labas dahil ilang buwan din akong hindi nakakita ng kalsada at ng mga building dito sa siyudad. Nami-miss ko rin ang shop. Ni hindi

