Thylane “Sigurado ka na ba talagang okay na ang pakiramdam mo?” Napahinga ako nang malalim habang naka-alalay sa akin si Mommy. Nakanguso ko itong tiningnan. “Mom, sinabi ko na nga po kanina na okay na ako. At saka, hindi ba’t gustong-gusto ko nang makita ang dalawa?” Ipinagpatuloy ko ang paglalakad at ito naman ay nakabantay sa akin, walang magawa sa katigasan ng ulo ko. Ilang oras mula nang magising ako ay hindi ko pa nakikita ang anak ko at si Steve. At hindi ko na kayang tiisin pa na sumapit pa ang ilang oras bago sila makita. Narinig ko ang malalim na buntong-hininga ni Mommy at binitiwan ako. Humalukipkip ito at sinabayan ako sa paglalakad. “Hay nako! Bahala ka na nga, bata ka,” anito na nagawa pang umismid nang pabiro sa akin. Nag-isang linya ang mga labi nito, saka nagsery

