Epilogue Kibok-Kibok Maria “Why do we have to go to her?” Toffer asked me matapos akong alalayan makababa ng sasakyan, napangiti ako ng hinawakan at hinalikan pa niya ang tiyan ko bago ako sumagot, apat buwan na akong buntis at napakasaya naming lahat dahil dito. Ngumiti ako saka nilabas ang isang coin na binigay sa akin noon ni Nana Iska. “Toffer, gusto ko lang magpasalamat kay Nana Iska dahil dito...” at parehas kaming napatingin sa hawak ko, kumunot ang noo niya bago tumingin sa akin. “Para saan? Eh ano bang ginawa niyan para iyo?” tanong niya saka ko hinawakan ang kamay niya “Isa ito sa mga pinanghawakan ko nung mga oras na wala ka...” sagot ko sa kanya kaya tinignan niya lang ako sa mga mata “Sabi ni Nana Iska, ibigay ko daw ito sa panganay natin, akala ko noon, impossible n

