Chapter 65 Maria Nasa bahay ako ng parents ko dito sa Manila, nandito sila sa bansa ngayon at kinakausap ko sila “We heard about what happened to your husband…” sabi ni Ina saka hinawakan ang kamay ko “Anak, ikaw kumusta ka ba?” she cupped my face saka tinignang mabuti ang mukha ko “Nangangayayat ka at namumutla din, do you want me to send you to hospital?” tanong niya at umiling ako “Okay lang po ako…” napatingin ako kay Anna na kasama ko ngayon “Ina, tulungan mo si Toffer…Tulungan mo siya…” pakiusap ko at nakita ko ang malungkot niyang ekspresyon “The board has already finalized their decision anak, we voted not to kick him out of the company pero hindi parin iyon sapat…Kung may magagawa lang ako…Gagawin ko…” tumayo ako saka agad na ring nagpaalam “Maria..” tawag sa akin ni Ina “Alam

