Chapter 1

951 Words
Chapter 1 Maria Nagising ako sa huni ng mga mumunting ibon mula sa aming bakuran. Iniunat ko ang aking mga bisig at dinama ang malamig na simoy ng hangin na siyang tumatagos mula sa aming bintana. “Hmmm kaysarap talaga ng sariwang hangin.” bulong ko habang inaayos ang mga unan at kumot na siyang ginamit ko sa kalamigan ng gabi. “Binibini!” rinig kong tawag ni Inang “Halika na’t bumaba at tayo ay kakain na.” “Susunod na po!” balik sigaw ko saka ako tumungo sa aking lumang cabinet na pagmamay-ari diumano ng lola ng aking lola. Nagpalit ako ng kamiseta saka sumunod na rin sa baba. “Magandang umaga binibini!” bati sa akin ni Marcos, matikas siya at maginoo. May magandang mukha at morenong kulay ng balat. Maraming babae ang nahuhumaling sa kanyang hitsura, isa siyang matalik na kaibigan at kababata ko. “Magandang umaga din Marcos.” bati ko sa kanya saka niya hinila ang upuan para ako ay makaupo, nakita ko ang mga pagkaing inihanda para sa akin, napaka rami “Bibitayin na ba ako? Kaya naghanda kayo ng ganito?” tanong ko at lahat sila ay nakatingin sa akin. “Ano ba ang sinasabi niyo binibini?” tanong ni Inang “Isang bagay na hindi naming hahayaang mangyari!” tinakpan ko ang bibig ko atsaka marahang tumawa. “Binibiro lang kita Inang…” Inayos ko ang aking salamin na bahagyang nalalaglag na sa aking ilong “Tara na’t kumain…” aya ko sa kanila. “Binibini…” simula ni Marcos, bukod kasi sa isa siyang kaibigan at kababata, siya din ang naatasan para bantayan ako habang nag iisa ako dito sa aming probinsya. “Darating po ang senyor at senyora…” pagbibigay alam niya sa akin. “Bakit? Ano ang rason ng pagdating nila?” tanong ko sabay nang pagkuha ng karne ng isda na siyang tinanggalan na ng tinik ni Inang. “Nais ka daw po nilang makausap…” magalang niyang sagot sa akin. “Hindi ba masyado silang abala sa lungsod para dagdagan ang kanilang kaban ng yaman?” tanong ko kay Marcos, napayuko siya sa sinabi ko. “Patawarin niyo po binibini pero hindi ko alam ang kasagutan…” napatingin ako kay Inang. “Maari bang tawagan mo ang aking dentista at nananakit na ang aking ngipin?” tumango lang si Inang at ngumiti “Kailangan na ata itong galawin…” iniwasan ko ang pusit na inihanda ni Manang, hindi ko kayang nguyain iyon dahil sa bakod na nakalagay sa aking ngipin. “Masusunod po binibining Maria…”  Pinunasan ko ang aking bibig at marahang tumayo mula sa aking upuan “Magpapahangin lang ako…” paalam ko sa kanila at nakita ko ang bahagya nilang pagyuko. Magbabalik sila dito sa Kibok-Kibok para kausapin ako? Para saan? Para piliting magpakasal sa isang ginoong hindi ko naman nakilala kailan man? Mas mainam ng magpakasal ako sa mga hayop at halaman dito sa aming lugar! Teka, nais kong humingi ng paumanhin sa pagiging walang modo, nakalimutan ko nga palang ipakilala ang aking sarili. Ako nga pala si Maria Corazon Del Vega Alfonso. Anak ng may-ari ng pinakamalaking plantasyon ng pinya sa buong Kibok-Kibok, kami rin ang pangunahing supplier ng iba’t ibang textile sa loob at labas ng bansa. Mayaman ang aking pamilya, iyon ang tingin ng lahat ng mga Kibokibokan (mga taga Kibok-Kibok) pero para sa akin, aanhin pa ang yaman ng aking magulang kung ako na nag-iisa nilang anak ay hindi nila mabigyan ng oras at kunting pagmamahal. Binuksan ko ang silid imbakan ko, doon ko nasilayan ang mga material na regalo sa akin ng aking mga magulang, mga bagay na sa lungsod lang nabibili at gagana. Aanhin ko kaya ito? Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, nakasuot ako ng mahabang saya na umaabot hanggang bukung bukong, isang makapal na salamin at mga bakal sa ngipin na ang aking ina rin ang nagpumilit na maglagay. Ikakaganda ko daw iyon pero para saan pa? alam kong mabuti ang aking kalooban at iyon ang mahalaga! “Binibini…” tawag sa akin ni Marcos “Dumating na po ang inyong magulang at may kasamang mga panauhin…” “Susunod na ako…” sagot ko sa kanyana hindi tumitingin. Iniladlad ko ang akin mahabang buhok, inayos ang aking salamin at pinagpag ang aking kamiseta. Mainam siguro na humarap ako sa mga panauhin sa simpleng ayos lamang. Bumaba ako ng masyon at nakita ko ang apat  na taong nakatayo doon “INA!” tawag ko, at sabay-sabay silang napatingin sa akin “AMA!” “MARIA!” balik sigaw ni Ina na nakalahad ang kamay, nakangiti rin sa akin ang isang magandang babae na maraming kulay ang mukha, maganda rin siya tulad ng aking Ina at kapwa sila nakasuot ng pormal, pero ang nakahuli ng aking pansin ay ang isang matangkad na lalaki na sobra ang kaputian para sa isang ginoo.  Nakangiwi siya habang nakatingin sa akin. Ano ang nais niyang palabasin? “Who is she?” rinig kong tanong niya sa babaeng kasama nila Ina. “She is Maria.” pakilala ni Ina sa akin “My one and only daughter…” saka niya ako ginawaran ng halik “Maria, this is Eleonor and Toffer her handsome son.” saka ko sila binigyan ng matamis na ngiti. “Kinalulugod ko po kayong makilala…” saka ko nilahad ang aking malambot na kamay, nakita ko ang lalong pag ngiwi ng lalaki sa harap ko.  Ano ba ang problema niya? “NO MOM!” huminga siya ng malalim at biglang naibulalas iyon. “I CAN’T! CAN’T DO IT!” pailing-iling siyang nakatingin sa akin at tila nandidiri sa kung ano ang nasa harapan.  “I JUST CAN’T! I’M SORRY!” saka lakad takbo siyang pumanhik palabas ng mansion, nakatingin lang siya sa akin na tila sinasapian ng kung anong elemento, nabunggo pa niya ang pinto dahilan para bumulagta siya sa sahig. “OH MY GOD! TOFFER!” napasinghap ang kanyang ina, sa tingin ko ina niya ito, mayroon kasi silang pagkakatulad! “Are you fine?”tanong niya habang pinupunasan ang dumudugong ilong ng lalaki. Naglakad kami palapit sa kanila pero nag sisigaw ang lalaki “NO MA! PLEASE, YOU ARE GOING TO KILL ME! I CAN’T! I REALLY CAN’T DO IT!”. “I’M NOT GOING TO MARRY HER! NO!” napaatras ako sa sinabi niya at napatingin sa aking mga magulang na nginitian lang ako. Ano nanaman ito? Huminga ako ng malalim saka nilapitan ang lalaki na nanginginig pa ng nilapitan ko. “Wag kang mag-alala ginoo, hindi rin ako makakapayag na pakasalan ka!” Sambit ko dahilan para umuwang ang bibig niya.  Naiinis ako!  Naiinis ako!  Sawang sawa na akong ipagkasundo! AH!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD