Chapter 34 Grant “Tama na yan!” saway ko sa kanya, pulang pula na ang ilong niya at mga labi dahil sa walang tigil na pag-inom at pag-iyak. “Nakarami kana oh!” saka ko inalis sa kamay niya yung bote ng alak. Nasa isang bar kami sa loob ng subdivision. Ayaw niyang lumayo pero ayaw rin niyang umuwi sa kanila “Sabihin mo sa akin ang problema mo, hindi ako sanay na ganyan ka!” sabi ko at suminghot siya. Tinitigan ko ang mukha niya. Ibang-iba na siya kompara nung una ko siyang nakita. Wala na ang mahabang sa-ya. Ang makapal na salamin, umayos na rin ang pananalita niya. Lalo siyang gumanda...at mas lalo akong nalilito sa nararamdaman ko para sa kanya. “B-Bakit ang sakit?” tanong niya habang nakatingin lang sa nagpapawis na bote ng alak “Bakit ang sakit kahit alam kong hindi siya sa akin?”

